Horoscope | Marso 27, 2023 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 27, 2023
Sa may kaarawan ngayong Marso 27, 2023 (Lunes): Gamitin mo ang lakas ng loob sa pagpaparami ng kabuhayan at huwag mong gamitin sa ibang aspeto ng buhay, lalo na sa inggitan at siraan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipakita mo na buo ang iyong loob sa lahat ng gagawin dahil ito ay may kaakibat na gantimpala. Madaragdagan ka ng suwerte upang lumakas ang tiwala mo sa iyong sariling kakayahan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-21-27-29-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipinaaalala ng araw na ito na ang mga duwag ay matatalo, hindi pa man nagsisimula ang anumang laban. Kaya dapat alam mo na ang gagawin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-22-26-33-37-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang araw na dapat kang maging alisto upang hindi makalagpas ang magagandang oportunidad na mapupunta sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-19-28-38-39-41.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi totoo ang hinala mo na ikaw ay pinagdadamutan ng kapalaran dahil ang totoo, simula ngayon magdadagsaan sa buhay mo ang magagandang bagay na hindi mo inaasahang darating. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-11-14-25-26.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magsisimula sa mga hawak mong suwerte ang iba pang magagandang kapalaran na mapasasaiyo. Ibig sabihin, makakaasa ka na lalago nang husto ang puhunan mo. Masuwerteng kulay- peach. Tips sa lotto-3-10-18-24-28-29.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Paano mapasasaiyo ang gusto mo kung ikaw mismo ang hadlang sa iyong pangarap? Kahit kulang ka sa pagsisikap, ibibigay ng mga nasa paligid mo ang magagandang kapalaran na inilaan para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-20-27-39-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit hindi mo maunawaan ang dahilan, sumunod ka lang sa gusto ng nagmamahal sa iyo, dahil sa huli ay ikakatuwa mo ito. Ang mga bagay na noon mo pa gustong makamit ay mapasasaiyo na. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-22-24-28-32-36-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Biruan lang sa umpisa, ngunit sa huli ay totohanan na. Sa biro idinadaan ng taong may gusto sa ‘yo ang pagpaparamdam niya, sakyan mo lang at magiging maganda ang lahat. Masuwerteng kulay- white. Tips sa lotto-2-20-23-25-38-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bakit ka magpapaalipin sa kagustuhan ng iba? Mas maganda kung magpapaalipin ka sa iyong sarili at sa mga pangarap mo. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay- green. Tips sa lotto-6-10-11-16-29-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ipagpatuloy mo ang iyong pagsisikap dahil malayo na ang nararating mo. Kung magpapatuloy ka pa, ikaw ay lubusang uunlad. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-10-15-18-23-26-30.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sapat ang talino mo para mapaunlad ang iyong sarili. Kaya lang, ito ay nagagamit sa pagsalungat sa mga suhestyon na ikagaganda ng buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-17-20-22-27-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Napagmasdan mo ba ang mga masasayang alon na naglalaro sa dalampasigan? Ito ang susi mo sa tagumpay. Makipaglaro ka lang sa iyong kapalaran. Ito ang magiging gabay ng buhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-25-27-30-31-38.




Comments