top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | Marso 27, 2021 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 27, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 27, 2021



Sa may kaarawan ngayong Marso 27, 2021 (Sabado): Walang panalo sa iyo ang mga hamon ng kapalaran na lalagay sa landas ng iyong buhay, ngunit kailangan mo itong harapin at huwag takasan o talikuran.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ilaban mo ang iyong suwerte at bibigyan ka ng malalaking panalo. Makaaasa ka na kapag hindi ka bumitaw, mapasasaiyo ang tagumpay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-24-29-35-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagbabago ang pakiramdam mo, nagiging seryoso ka at ito ay bilang paghahanda sa maraming araw na darating kung kailan marami rin ang oportunidad na mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-19-20-24-39-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Nananatili kang bata, hindi lang sa pisikal at isip kundi sa puso at kalooban. Ang mga ito ang magpapaganda sa iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-15-27-35-38-41.


CANCER (June 21-July 22) - Muli, huwag mong kalilimutan na kapag pinalaya mo ang iyong damdamin, ang kaligayahan ay mapasasaiyo. Muli, ang pag-unlad ay mula sa malayang pagkilos. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-14-25-27-33-34.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi pa nagbabago ang takbo ng kapalaran mo, magpapatuloy pa rin ang pagpapadama mo ng pagmamahal sa iyong kapwa. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-29-30-32-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Simulan mo nang sanayin ang iyong sarili na kumilos ayon sa tinukoy mong ambisyon. Mas maaga kang magsimula, mas mabilis mong matutupad ang mga ito. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-20-23-24-36-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Habang nagsasaya ka, dapat buksan mo rin ang iyong isip kung paano mo matutupad ang iyong mga pangarap. Ang magagandang pormula sa tagumpay, minsan ay nakukuha sa pagsasaya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-25-27-33-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ingatan mo ang nasa iyo na. Hindi lang sa pakikipagrelasyon nagagamit ang ganitong payo dahil kahit sa mga materyal na bagay na hawak mo na, isabuhay mo rin ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-20-21-28-30-31.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon ka na maghanda para sa mga gusto mong gawin sa malapit na hinaharap. Ang tagumpay sa gustong gawin ay nakukuha sa maagang paghahanda. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-19-23-37-38-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hadlang sa tagumpay ang pagiging maramdamin. Huwag mong hayaan na talunin ka ng iyong damdamin, mas maganda na kumilos ka nang may positibong pananaw. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-29-32-37-40-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong balikan ang nakaraan, ang mga lumipad na pangarap sa nakaraan ay hayaan mo na lang. Harapin mo ang maraming bukas nang hindi ka naapektuhan ng nakaraan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-18-20-25-36-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Buksan mo ang iyong isip sa maraming bagay na puwede mong gawin. Simple lang naman ang susi sa tagumpay at ito ang nagsasabing marami kang gustong gawin, mas maganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-21-29-32-38-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page