top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Marso 26, 2023 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 26, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 26, 2023


Sa may kaarawan ngayong Marso 26, 2023 (Linggo): Ito ang tanging araw na inilaan ng langit para sa iyo. Sinasabing, anuman ang hilingin mo ay magkakatotoo, kaya humiling ka na. Ito ang mensahe sa araw ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lakas ng loob ang susi para talunin mo ang anumang hamon sa iyo ng kapalaran. Hindi ka dapat magpatalo at umatras sa anumang sagabal sa iyong daraanan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-29-30-35-38-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit hindi mo gusto ang sinasabi sa iyo ng mga nakatatanda, kailangan mo pa ring makiayon sa kanila dahil hindi pa panahon para labagin ang kanilang gusto. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-10-16-29-34-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Maging kalmado ka lang sa harap ng mga taong hindi mo gusto. Kontrolin mo ang iyong damdamin dahil ang pagpatol sa mahina ang isip ay nagdadala ng kamalasan at kahinaan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-24-27-35-38-40.

CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na bukas ang bintana ng langit, kaya humiling ka ng kahit ano dahil tiyak na pakikinggan ka. Magtiwala ka lamang sa iyong sariling kutob. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-11-15-26-30-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong balewalain ang payo ng matatanda at matatalinong tao dahil madalas, ang kanilang payo ay tama. Patuloy mong sundin ang kanilang payo upang tuluy-tuloy kang umunlad at suwertehin. Mauswerteng kulay- yellow. Tips sa lotto-17-20-21-23-27-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magtiwala ka sa gusto o sinasabi ng mga tao para sa iyo. ‘Yun ang gawin mong negosyo dahil hindi ka uunlad kung magnenegosyo ka base sa iyong kagustuhan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-21-26-37-38-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tapos na ang iyong paghihirap sa araw na ito dahil narinig ng nasa itaas ang iyong daing. Tutulungan ka nito upang iahon ka sa lahat ng iyong problema. Muling magiging maligaya ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-24-29-30-32.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mangangako kung ikaw ay masaya o malungkot. Kung malungkot o masaya kang nangako sa iyong kausap, ang mga pangakong ito ay mauuwi lang sa wala. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-20-21-24-36.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mamili kung sino ang iyong mapapakinabangan dahil taglay mo ang kakayahang maturuan ang mga wala pang alam at mahihina ang katangian. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-19-23-25-34-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pahalagahan mo ang katahimikan kaysa sa kaguluhan. Ang hindi nakikipagtalo sa hindi pagkakaunawan ay magkakaroon ng kapayapaan sa buhay. Ito ang mas maganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-22-27-28-37-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madali mong nababasa ang isip ng iyong mga nakakausap. Magsalita man siya o hindi, alam mo ang kanyang motibo at layunin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-15-16-25-30-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi mo ba pansing nababalewala ang iyong pagsisikap sa mga nakaraang araw? Huwag kang magsipag, bagkus, manalangin ka lang. Mas maraming suwerte ang darating sa iyo sa gitna ng katahimikan ng puso at kalooban. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-11-14-26-38-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page