top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | Marso 26, 2021 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 26, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 26, 2021



Sa may kaarawan ngayong Marso 26, 2021 (Biyernes): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte. Ang totoo nga, nakamamangha at magagandang kapalaran ang sadyang nakalaan sa iyo.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakabubuti ang pagsunod sa lumang patakaran ng buhay, pero babagal ang pag-unlad. Makipagsapalaran ka sa mga makabagong ideya nang sa gayun ay bumilis ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-9-12-14-37-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Naaantala ang iyong magagandang kapalaran dahil sa iyong pag-aalinlangan. Ang kinatatakutan mong kabiguan ay bahagi lang ng pagkakaroon ng mga tagumpay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-14-15-20-31-33.


GEMINI (May 21-June 20) - Humihina ang katawan kapag kilos nang kilos at biglang tigil sa pagkilos. Kung gustong kumuha ng buwelo, magpatuloy ka pa rin pero hinay-hinay lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-27-30-39-42-45.


CANCER (June 21-July 22) - Nabubuhay ang namatay na. Ito ay hindi imposible sa mundo ng pag-ibig. Alam mo rin naman ito dahil nadarama mo na ang namatay na pagmamahal mo ay muling nabuhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-22-23-37-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit may pinagkakaabalahan ka na maganda ang takbo, magsimula ka ng isa pang gusto mo. Huwag kang mag-alala dahil ang totoo, kaya mo ang sabay-sabay na pinagkakakitaan at negosyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-15-26-29-40-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumilos nang may isang layunin. Huwag kang tumulad sa iba na napakaraming gusto kaya nabibigo. Kapag nagkakaisa ang isip, puso at damdamin, tiyak na ang pananagumpay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-20-27-34-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maraming alam ang maiksi lang magsalita at nagkukunwaring matalino ang walang tigil sa kasasalita. Ito ang gawin mong batayan sa pagpili ng iyong makakasama habambuhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-16-22-28-31-36.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi pag-atras ng suwerte ang paminsan-minsang paghina ng kinikita. Isang pangkaraniwang kaganapan lang naman ito sa mundo ng pagnenegosyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-15-30-41-43-46.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Awatin mo ang iyong sarili na magpakita ng hindi maganda sa kumontra sa iyo. Mahirap paniwalaan, pero ang sumasalungat sa kagustuhan mo ay may dalang suwerte para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-9-13-17-32-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malalakas na kaba ang madarama mo. Sa biglang tingin, ito ay hindi maganda pero ang totoo, ito ay senyales na ang malalaking suwerte ay darating na sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-18-25-28-35-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Itinatago mo ang lungkot sa pagkukunwaring ikaw ay masaya. Kapag nanatiling nakatago ang iyong lungkot, wala ka nang magagawa kundi ang maghanap ng bagong mundo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-27-37-41-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Parang sumisikip ang landas ng buhay na iyong tinatahak. ‘Wag mong kalimutan na itanim sa iyong puso at isipan na ang makitid na daan ay ang daan ng tunay na kaligayahan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-17-25-27-34-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page