top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

Horoscope | Marso 25, 2026 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 25
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 25, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Marso 25, 2026 (Miyerkules): Lumayo ka sa bayang iyong sinilangan, dahil ang mga suwerte mo ay naghihintay sa malalayong lugar. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Puntahan at sugurin mo na ang iyong pangarap. Makakaasa ka na aalalayan ka ng langit. Pero kung paiiralin mo ang iyong karuwagan, malaking panghihinayang lang ang makukuha mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-9-16-29-35-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Oo, kusang lumalapit sa iyo ang mga suwerte, pero sa pagkakataong ito, may malalaking suwerte ang nakalaan sa iyo sa ibang lugar na malayo sa iyong bayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-19-21-28-34-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Kapag tinulungan mo ang hindi mo kakilala, may matatanggap kang regalo mula sa langit, isang regalong magbibigay sa iyo ng labis na kagalakan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-11-24-27-32-40.

 

CANCER (June 21-July 22) - Pabagu-bago ang panahon, pero hindi pa rin nawawala ang init at maalinsangang kapaligiran. Ito ay isang palatandaan at paalala para sa iyo, na anuman ang mangyaring kaguluhan at problema, tuluy-tuloy pa rin sa pag-init at pag-andar ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-22-30-37-41.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Mapapansin mo, may mga pagkakataong nakatingin ka sa malayo na ang ibig sabihin, may nangangailangan ng tulong mo. Huwag mong ipagdamot ang anumang kaya mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-14-23-33-38-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pagtiyagaan mong bantayan ang iyong pinagkakakitaan, at kasama ng pagbabantay, ang pagiging aware sa takbo ng negosyo. Hindi ka puwedeng makampante ngayon. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-13-27-29-39-43.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bigyan mo ng halaga ang ginagawa ng nagpapasaya sa iyo, kahit pa ito ay malayo o maliliit na bagay lamang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-11-15-20-32-40.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tulad ng bumababa at tumataas na tubig sa karagatan, muling babalik sa iyo ang mga suwerteng nawala, at sa pagbabalik ay mas matindi pang ligaya ang ibibigay nito sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-12-18-25-28-31.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ang pagbagsak ng bulalakaw sa lupa ay nakakayanig. Gayunman, ang mga nakakayanig na pangyayari sa buhay mo ay nagbabalita na bigla kang yayaman. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-13-21-34-37-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit matagal pa ang kaarawan mo, naghahanda na ang langit ng mga regalo para sa iyo. Tandaan mo, mahal ka ng nasa Itaas at hindi ka Niya iiwan kahit kailan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto- 4-15-20-24-28-38.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Paikut-ikot lang naman ang hangin. Kung saan siya dating umiihip, muli rin siyang babalik. Tulad ng hangin, muling babalik ang nakaraan mo, pero nasa iyo pa rin ang pagpapasya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-14-23-29-36-41.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sa tuwing umiihip ang hangin, naglalaro ang mga sanga ng halaman. Huwag kang gaanong seryoso, dahil mas maganda kung masaya ka pa rin habang kinakaharap mo ang iyong problema. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-13-18-25-30-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page