Horoscope | Marso 25, 2023 (Sabado)
- BULGAR
- Mar 25, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 25, 2023
Sa may kaarawan ngayong Marso 25, 2023 (Sabado): Mananariwa ang kapalaran mo kapag pumupunta ka sa malalayong lugar. Hindi puwedeng manatili ka lamang sa iyong lupang sinilangan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang magtiwala nang sobra sa mga makuwentong tao. Sa halip, mag-ingat ka dahil may babala na ikaw ay madadaya ng nasa mataas na antas sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-19-20-23-28-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag ka nang mag-alinlangan kung may pupuntahan kang malayo dahil sa pamamasyal mo, may makakaharap kang magagandang kapalaran, lalo na sa mga lugar na malapit sa kalikasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-18-21-26-28-30.
GEMINI (May 21-June 20) - Bago mo pagpasyahan, pag-isipan mo muna nang mabuti upang mabigyan ka ng pagkakataon na mabago ang maling desisyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-13-29-32-36-42.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano’ng nasa sa iyo, huwag mo nang ibigay sa iba, bagkus, ipaglaban mo ito. May mga mang-aagaw at mapagpilit sa ngayon, at puwedeng ikaw ang mabiktima. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-10-14-15-28-30-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magdaratingan ang masusuwerteng balita para sa iyo, pero hindi puwedeng kunin mo lahat, mamili ka lang ng iyong kailangan. Ang iba na hindi mo napili ay ibabalik sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-12-14-24-32-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung saan ka masaya, ru’n ka. Kung ano ang hinihingi ng iyong sarili, ‘yun ang magbibigay sa iyo ng magagandang kapalaran. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-22-28-39-40-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Alamin mo nang mabuti ang mga inaalok sa iyo. Kung ano ang ikagaganda ng buhay mo, ‘yun ang iyong naisin. Huwag mong hayaan ang mga inaalok sa iyo. Magpasya ka na ngayon. Masuwerteng kulay- peach. Tips sa lotto-7-10-13-15-20-21.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit kaya mong mag-isa ang mga problema, maganda pa rin na tanggapin mo ang pag-alalay ng mga taong malapit sa iyo. Ipadama mo na mahalaga sila sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-25-27-34-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumataas ang nasa ibaba at bumababa ang nasa itaas. Darating ang panahon na ikaw naman ang tataas. Kapag nangyari ito, wala nang pagbabago kahit sa iyong pagtanda. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-10-13-15-22-27.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kilatisin mo nang mabuti ang mga makakaharap mo. Hindi lahat ng magandang magsalita ay may magandang pagkatao. Madalas, sa masasayang kuwento nakatago ang masamang motibo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-16-20-21-28-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makinig ka nang mabuti sa mga sasabihin sa iyo. Sa ganitong paraan, lalakas ang iyong pakiramdam, kaya mabilis mo mabibisto ang mga
nagkukunwaring mabuti. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-14-15-27-33-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagkalat sa araw na ito ang mandaraya at mapagkunwari. Piliin mong dumikit sa mga matagal mo nang pinagkakatiwalaan. Mag-ingat ka naman sa mga bago mong kakilala. Masuwerteng kulay- yellow. Tips sa lotto-19-25-28-30-31-38.




Comments