top of page
WINNER - VINCENT, NASA ‘PINAS PA RIN, PARENTS, ‘DI NA KAYANG BUMIYAHE PA-SPAIN-FB Circulat

Horoscope | Marso 25, 2021 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 25, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 25, 2021



Sa may kaarawan ngayong Marso 25, 2021 (Huwebes): Yayaman ka. Ito ay ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang. Ipanatag mo ang iyong kalooban sa harap ng mga pagsubok sa iyong buhay.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling lumakas ang iyong mayamang imahinasyon. Iwasan mong magamit ito sa pag-iisip ng mga negatibong pananaw. Mas maganda na ang isipin mo ay kung paano pa mapagaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-19-30-37-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagdaratingan ang mga suwerte mo mula sa malalayo. Kaya lalo mo pang damihan ang mga proyektong magpapaunlad pa sa iyong buhay. Ang suwerte ay namumunga ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-14-21-25-38-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka inaawat sa mabibilis mong pagpapasya. Ang payo lang naman ng iyong kapalaran ay dapat alerto ka sa anumang biglang pagbabago na maaari mong kailanganin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-15-18-20-32.


CANCER (June 21-July 22) - Mag-ingat ka sa magagandang salita na nagsasabing mabilis na magkakapera ang tao kahit hindi mamuhunan ng pagod at pagsisikap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-17-20-26-28-36.


LEO (July 23-Aug. 22) - Lalapit sa iyo ang suwerte sa mga sandali na ikaw ay nasa malayo at namamasyal. Kaya mas maganda na magplano kang pumunta sa mga pasyalan kung saan ikaw ay malilibang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-19-24-27-35-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahirap kalimutan ang mga problema, pero masayang balik-balikan ang mga nakaraang karanasan kung kailan lumigaya at nagtagumpay ka. Isabuhay mo ang dalawang katotohanang ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-10-18-21-25-33.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Inspirasyon ng tao ang magagandang bagay na kanyang naririnig. Makipagkuwentuhan ka sa mga alam mong ang sinasabi ay may kabuluhan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-14-22-28-34.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi nabubuhay ang tao sa kanyang sarili lamang dahil kailangan niya ang mga kaibigan at iba pang aalalay sa kanya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-21-28-39-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Susuwertehin ka kapag may ginawa kang maliit na pagbabago sa naiplano mo na. Ang pagbabago ay dapat nakatuon sa kung ano ang takbo ng panahon ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-24-27-35-42-46.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahihirapan ka sa pinagdaraanan mo ngayon, pero sobrang kaligayahan ang mapasasaiyo dahil tiyak din namang ang mga kahirapan at problema ay malalagpasan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-15-17-20-21.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pansinin ang namimilit sa iyo dahil wala naman siyang magagawa kundi ang huminto. Pero ang totoo, siya ang suwerte mo kahit hindi mo gaanong gusto. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-14-18-20-28-35.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon ang takdang araw kung kailan nakatapat sa iyo ang mga tainga ng langit na naghihintay ng iyong kahilingan. Hiling na, dapat ay ngayon na. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-24-28-34-42-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page