Horoscope | Marso 24, 2026 (Martes)
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 24, 2026

Sa may kaarawan ngayong Marso 24, 2026 (Martes): Tinitiyak ng iyong kapalaran na aangat ang iyong buhay kahit pa mag-alinlangan ka. Sa ngayon, magtiwala ka muna sa iyong sarili at sa langit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang maganda sa paningin mo, iyon ang piliin mo. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-4-19-20-26-30-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Papaboran ka ngayon ng langit. Ang mga mahihirap na gawain ay gagaan na, at ang paparating na pagsubok ay hindi mo na rin katatakutan. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-18-25-28-31-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Bumabagabag ang ikot ng iyong mundo dahil sa dami ng gusto mong gawin. Tutukan mo lang ang isa at balewalain mo muna ang iba. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-21-24-35-44.
CANCER (June 21-July 22) - Suriin mo kung ano ang mayroon ka. Huwag mong ipagsapalaran ang kasalukuyang hawak-hawak mo na. Ang posible kasing maganap, kapag tinaya mo pa ang dati mong hawak ay may babala na mapupunta lang ito sa iba. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-15-23-27-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang makiuso dahil kapag sinubukan mo iyon, mahihigitan mo ang iba, kaya lang aatras ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran mo. Sa ngayon, ang dapat mong iprayoridad ay ang pagpapalago ng iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-10-16-25-34-40
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mapapakinabangan mo ngayon ang husay mo sa pagtutuos. At kung hindi mo ito gagamitin, para mo na ring sinabing malulugi ka nang malaki at ikaw ay magsisisi. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-11-20-32-36-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka mabibigo basta pairalin mo lang ang laman ng iyong puso. Ang laman ng iyong puso ay pag-ibig. Kaya kahit na labis kang naiinis sa isang tao, iparamdam mo pa rin sa kanya ang pag-ibig at pagmamahal. Kapag ganito ang ginawa mo, sunud-sunod na suwerte ang darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-13-17-22-31-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mabilis na darating sa buhay mo ang katuparan ng iyong mga pangarap dahil sa isang taong nakatanggap ng utos mula sa langit na ikaw ay alalayan at tulungan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-14-15-29-33-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka magkakamali ngayon. Oo, hindi na mauulit pa ang nakaraan na akala mo ay tama ka, pero mali pala. Huwag ka nang mag-alinlangan pa, bagkus gawin mo na ang gusto mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-21-26-32-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon mo na ipamigay ang mga hindi mo na ginagamit. Sa ganitong paraan, luluwag ang kapalaran mo at dahil maluwag na ito, kusa nang papasok sa iyo ang mga bagong suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-12-16-22-25-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Babalik ngayon ang gusto mong bumalik sa iyo. Kapag nangyari na ang pagbabalik, huwag ka nang magkunwari pa, tanggapin at yakapin mo agad siya. Dahil bukod sa kanya, marami pang suwerte ang dadapo sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-17-19-27-30-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hinihintay lang ng langit kung ano ang pasya mo. Magpasya ka na ngayon, dahil hindi na puwedeng magtagal ang iyong pag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-14-20-28-31-42.


Comments