Horoscope | Marso 24, 2023 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 24, 2023
Sa may kaarawan ngayong Marso 24, 2023 (Biyernes): Kahit ano pa ang iyong gawin at magkamali ka man, kikilos ang iyong kapalaran para pagandahin pa rin ang iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang takdang araw na magaganap ang mga ayaw mong pangyayari, ngunit ito ay magbubunga ng maganda para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-10-24-29-30-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magulat kung ang mga kinaiinisan mo ay biglang gumanda ang pakikiharap sa iyo. Inutusan sila ng kapalaran na bigyan ka ng saya at ligaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-20-23-28-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang araw na doble ang magagandang bunga ng gagawin mong pagkilos. Kumilos ka na ngayon para hindi masayang ang pagdating ng mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-8-19-20-21-28-30.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka bibiguin ng langit at makakaasa ka na lahat ng maganda ay para sa iyo, at ‘yun lang ang mangyari. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-21-26-29-30-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang takdang araw para muli mong buhayin ang magandang pagtitinginan n’yo ng taong sobrang malapit sa iyo noon. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-21-25-30-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maglalaho na parang bula ang mga negatibong pananaw mo dahil sa pagdating ng bagong inspirasyon. Ito ang regalo sa iyo ng langit kahit hindi mo hiniling. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-24-28-30-31-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito, puwede kang humiling sa langit para labanan ang mga kaaway mo, pero ang mas magandang hilingin ay suwertehin ka sa larangan ng pag-ibig at materyal na bagay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-10-14-15-26-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kikilos ang lahat ng nasa iyong paligid para bigyan ka ng ligaya. Ito ay para mawala ang mga negatibong pananaw na naglalabas-pasok sa isipan mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-19-22-28-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Suwerte ka ngayong araw at mas madaragdagan pa, para sa pag-asenso mo. Laging magpasalamat sa nasa itaas upang magtuluy-tuloy ang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-17-21-25-27-28.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Marami kang dapat ipagpasalamat sa nasa itaas at ngayon, may darating pa sa buhay mo na kailangan ding pasalamatan. Mapapatunayan mo na mahal ka talaga ng langit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-10-29-30-33-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tuluy-tuloy ang pagsasaayos ng iyong kapalaran sa hindi magagandang nangyari sa iyong nakaraan. Hindi puwedeng hindi gumanda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-21-25-28-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na may matututunan kang aral mula sa karanasan ng iyong malapit na kaibigan. Isabuhay mo ito nang mapabuti rin ang kanyang kalagayan. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Mauswerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-11-13-28-30-31.




Comments