top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | Marso 24, 2021 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 24, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 24, 2021



Sa may kaarawan ngayong Marso 24, 2021 (Miyerkules): Kikilos ang iyong kapalaran para sa ikagaganada ng buhay mo. Maaaring labag sa loob mo, pero ito ang makabubuti para sa iyo.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kikislap ang iyong paligid dahil ngayon, ikaw ay makikitang inspirado. Ipagpatuloy mo ang mga bagay na inaambisyon mo dahil kapag may inspirasyon ang isang tao, kahit anong hirap ay hindi niya iindahin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-24-30-34-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Susuwertehin ka. Mas malalaki at marami ang magiging suwerte mo kapag nagawa mong balewalain ang mga naninira sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-17-20-21-25-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Dagdagan mo ang kulang at bawasan ang sobra. Kulang ka sa pagiging seryoso, nasobrahan ka sa saya. Muli, ang payo para sa iyo ay dagdagan mo ang kulang at bawasan ang sobra. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-28-25-36-38-37.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong labanan ang iyong damdamin. Ang kaligayahan ay hindi idinidikta ng isip dahil ito ay bunga ng pinalayang damdamin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-15-23-30-31-35.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo. Nasa matamis nakasakay ang mga suwerte mo. Hindi sa pagkain dahil baka ikaw ay magkasakit. Ito ay nasa matatamis na ngiti ng iyong mga labi. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-18-24-26-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Paano mo lalabanan ang iyong pagiging mahiyain? Lumapit ka sa kursunada mo at sanayin mong lumapit sa mga puwedeng panggalingan ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-19-29-38-42-46.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawakan mo nang mahigpit ang nasa iyo na. Kapag ginawa ito ng tao, ang hawak niyang kabuhayan ay pararamihin ng langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-17-20-24-31.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung saan naroon ang saya, roon ka! Simpleng pormula ito upang suwertehin ang isang tao. Gawin mo! Mas madaling gawin ito kaysa kung anu-anong naiisip mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-17-22-25-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kalaban mo ang iyong sarili. Yayayain kang magsaya kahit maraming mahahalagang bagay ang kailangan mong gawin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-21-23-39-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tatag ng kalooban ang panlaban sa mga tukso. Kaya magpakatatag ka higit kailanman dahil sa araw na ito, ang mga tukso ay magpapabalik-balik sa harapan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-16-24-26-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka iiwanan ng saya hanggang sa masobrahan ka. Ang magagandang bagay ay magdaratingan sa puso mo at mag-uumapaw ang kagalakan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-26-27-36-46.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Madaragdagan ang mga tagahanga mo. Mababawasan naman ang iyong mga kaaway dahil sila ang madaragdag sa hanay ng iyong mga tagahanga. Ito ang malinaw na sinasabi ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-14-21-23-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page