Horoscope | Marso 23, 2026 (Lunes)
- BULGAR

- 8 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 23, 2026

Sa may kaarawan ngayong Marso 23, 2026 (Lunes): Biniyayaan ka ng katangian na kung tawagin ay pagpaparami. Kaya mapapansin mo, lahat ng sa iyo ay marami. Mas maganda kung sa negosyo mo ito gagamitin.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka kahit nalulungkot ka, dahil ang mga kilos mong masasaya ang magsisilbi mong pampasuwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-20-28-36-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumukuha ng buwelo ang kapalaran mo, nang sa gayun ay mamangha ang mga taong walang hinangad kundi ang pabagsakin ka. Sa huli, sila ang babagsak, at ang malulutong na halakhak ay ipagkakaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-17-21-29-37-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang maniniwala sa sinasabi nila na kapag mabilis kang magpasya, magkakamali ka. Ang ganu’ng payo ay para sa iba at hindi para sa iyo, dahil sa buhay na ito, bilis ang magbibigay ng mga suwerte at magagandang kapalaran na tanging para sa’yo lang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-19-24-27-39-45.
CANCER (June 21-July 22) - Mapapansin mo na parang kakaiba ang sigla mo ngayon. Ito na mismo ang senyales na ang hiniling mo sa langit ay ipagkakaloob na sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-15-26-33-35-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Luwagan mo ang isip mo, dahil sa dami ng laman, hindi mo na malaman kung ano ang uunahin. Itira mo lang kung saan ka madadalian. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-21-29-31-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mo nang hanapin ang wala na; ang hanapin mo ay ang landas, kung saan gagana ang iyong kinabukasan, at sa landas na iyon, doon ka maglakad. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-7-13-20-23-32-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag ka munang kumilos, lalo na kung hindi ka pa sumasangguni sa mga may alam. Ang tamang pagnenegosyo ay hindi basta palakasan lamang ng loob. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-14-22-30-34-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang mayroon ka, iyon lang muna ang ibigay mo. Huwag mo nang ulitin ang dati na ginawan mo pa ng paraan ang lumapit sa iyo, na sa huli ay ikaw lang mag-isa ang nahirapan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-13-26-28-35-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maiiwanan mo ang iyong mga karibal at kakumpitensya. Huwag kang mag-alinlangan, kahit pa katiting na pag-aalinlangan, dahil ito ay nagpapabagal sa kilos ng isang tao. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-9-16-25-32-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maniwala ka sa sarili mo at huwag sa ibang tao. Hindi ka ipinanganak na tangay-tangayin lamang ng kung sinu-sino, tulad ng mga dahon na kung saan-saan lang inihahampas ng hangin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-17-21-27-31-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang kapalaran mo dahil hindi na pahahalagahan ng langit kung ano ka. Noon pa man, nakatakda na sa iyo na suwertehin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-16-25-38-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mabilis kang aabante kung hindi ka magpapatali sa iyong nakaraan. Ito ang susi para magkaroon ng tunay na kaligayahan ang bawat tao. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-13-20-34-39-44.


Comments