Horoscope | Marso 23, 2023 (Huwebes)
- BULGAR
- Mar 23, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 23, 2023
Sa may kaaraawan ngayong Marso 23, 2023 (Huwebes): Pagsasaya ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang. Ito ay nagsasabing, langit mismo ang magpapasaya sa iyo habambuhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makibahagi ka sa mga kasiyahan dahil ang araw na ito ay para sa pagsasaya. Kung makadama ka ng hindi mo maunawaang kalungkutan, balewalain mo at magsaya ka lang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-20-24-29-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakatuwa ang mangyayari ngayon. Ang mga gigil na gigil sa suwerte ay magugulat dahil ikaw ay naghihintay lang at wala namang ginagawa, lalapitan ng mga buwenas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-22-24-28-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Mananalo ka at ito ay mauulit pa. Ito mismo ang nakasulat sa aklat ng iyong kapalaran. Ang magtatangkang sumalungat ay mababawasan ng suwerte at sa iyo malilipat. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-16-24-26-33-34.
CANCER (June 21-July 22) - Damdamin ang maghahari sa araw na ito. Mas maganda na ‘pag nagpilit ang isip na manghimasok, agad kang kumilos base sa nadarama ng puso mo. Ito ang paalala sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-29-30-31-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Unahin mo ang iba kaysa sa iyong sarili. Maaaring hindi mo maunawaan ang nasabing payo, pero ito ay utos ng kapalaran na kailangan mong sundin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-20-24-26-36-39-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mababawasan ang iyong saya kapag ikaw ay kontra nang kontra sa iyong sarili. Ang walang kapantay na ligaya ay nagmumula sa pagiging malaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-15-25-27-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pahalagahan mo ang iyong pinaghirapan at ito ang lagi mong ilagay sa iyong isip, lalo na ngayon na ang mga tao ay natatangay sa masasayang kapaligiran. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-28-30-33-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magsaya ka dahil ang lahat ay masaya, pero ang payo sa iyo ay maging seryoso ka. Sa pagiging seryoso sa buhay, ang mga pangyayari ay aayon sa iyong mga plano. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-21-29-31-39-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag nagkulang ka, okey lang dahil lahat naman ay nagkukulang. Ang mahalaga ay nasunod mo pa rin ang utos na bigyang kasiyahan ang kapwa mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-23-26-34-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi puwede na ang lahat ay kaya mong pasayahin. Limitado lang ang kakayahan ng bawat isa. Kung ano ang kaya mo ‘yun lang ang itugma mo sa iyong gagawin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-19-20-25-26-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit mo papansinin ang hindi nakikiayon sa gusto mo? Gawin mo ang iyong gusto at ganundin sila. Sa ganitong paraan, hindi masisira ang masasayang araw mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-16-20-21-28-31-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na papabor sa iyo ang langit. Kaya lahat ng plano at pangarapin mo ay isa-isa nang matutupad. Magugulat ka pa dahil napakagara at napakagaling ng magiging resulta nito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-20-22-28-30-35.




Comments