top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | Marso 23, 2021 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 23, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 23, 2021



Sa May Kaarawan Ngayong Marso 23, 2021 (Martes): Hindi ka magtatagal sa pamamasukan dahil ang utos ng iyong kapalaran ay ang magnegosyo ka. At ito naman ang mangyayari, sa negosyo ka yayaman.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bilis ang magpapaganda ng buhay mo. Kaya kahit nag-aalinlangan ka, kumilos ka nang mabilis ayon sa iyong kagustuhan. Ang pagiging mabagal ay magbubunga ng panghihinayang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-23-37-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawakan mo ang iyong sarili dahil may babala na mabilis kang mapapasang-ayon sa hindi mo naman talaga gusto. Bago ka magdesisyon, sumangguni ka muna sa matalik mong kaibigan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-13-29-30-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Muling ibinalik ng langit ang mga araw na ikaw ay mapalad. Ito ay para malaman ng mga lihim mong kaaway na hindi pa ubos ang iyong mga suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-14-19-25-38-41.


CANCER (June 21-July 22) - Malaki ang tsansa na magbago ang isip mo dahil magigising ka sa katotohanang ikaw ay nagkamali at puwede mo pang itama ang iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-14-15-22-29-36.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mabilis na iinit ang ulo mo. Para maiwasan ito, lumayo ka muna sa alam mong pilipit ang katwiran at sa mga nagkukunwaring marunong at maalam. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-13-16-20-21-26.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magdalawang-isip. Kahit kailan, ang pag-aalinlangan ay nagdadala sa tao sa mabagal na pag-asenso at nagbubunga rin ito ng paninisi sa sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-18-20-25-33.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sasaya ka at kakaibang saya ang mapasasaiyo dahil ang buhay ay isang laro para sa iyo. Kaya ang nag-aakalang seryoso ka ay nagkakamali. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-27-37-39-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maghanap ka pa ng pagkakakitaan. Minsan, kaya mabagal umunlad ang tao ay dahil nananatili lang siya sa iisang aktibidad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-14-17-20-23.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magbabalik ang mga araw kung kailan mananariwa, hindi lang ang iyong katawan kundi maging ang iyong kapalaran. Huwag mong kaligtaan na magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-11-16-28-31.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli, mamasyal ka sa lugar na alam mong sasaya ka. Kapag masaya ka, susuwertehin ka. Nangyari na sa iyo ito at ito ay muling mangyayari. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-18-24-27-36-39.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makisabay ka sa masasayang tugtugin. Igalaw mo ang katawan mo sa himig ng awitin. Ito ang susi na magbubukas ng magagandang oportunidad na magpapaunlad sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-25-28-30-31-32.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang mangamba, pasukin at gawin mo ang nasa harapan mong magpapaunlad sa iyo. Hindi mahalaga kung may alam ka o wala kang karanasan dahil tiyak na aasenso ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-14-16-20-24-27.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page