top of page

Horoscope | Marso 22, 2026 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 22, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Marso 22, 2026 (Linggo): Mas malakas sa iyo ang kapalaran mo, dadalhin ka nito kung saan ay makakaharap mo ang malalaking suwerte.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang sumalungat sa agos ng iyong kapalaran. Magtiwala ka na hindi papayag ang langit na hindi ka aangat. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-10-29-32-37-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka nang palihim at huwag mong ilantad ang mga balak mong gawin. Nang sa gayun, lihim ding kikilos ang langit, at sa huli, susuko sa iyo ang mga kalaban mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-25-28-33-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang kukurap, dahil ang nagtatagumpay ay siya na hindi kumukurap. At ang mga kumukurap ay tiyak na mapapasama sa sangkatutak na mga bigo at mga talunan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-21-24-35-44.


CANCER (June 21-July 22) - Kapag sumama ang loob mo ngayon, huminto ka kahit sandali lang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-15-23-26-30-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Muling nagbalik ang nangyari na. Kikilos muli ang mga lantad at lihim mong kaaway, pero habang kumikilos sila, susuwertehin ka. Kaya ‘wag mong kalimutan na magpasalamat sa Itaas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-13-17-20-27-39.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit mahirap sundin, sundin mo pa rin ang banal na utos na mahalin mo ang kaaway mo. Gawan mo sila ng kabutihan, kahit lingid sa kanilang kaalaman, ikaw ang gumawa nu’n. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-21-28-35-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag kailangan na, kusang kumikilos ang kapalaran. Tulad ngayon, hindi mo mauunawaan ang mararanasan mo, pero sa huli, ikaw ay sobrang magagalak. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-22-31-37-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bumabata ang matatanda at marami ang namamangha. Ang kapalaran mo ngayon ay tulad ng isang batang toro na punumpuno ng pangarap, kasiglahan, at pag-asa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-19-29-33-36-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahirap paniwalaan, pero isang katotohanan na sa gustong magtagumpay, walang huli at wala ring bigo. Ibinabalita sa araw na ito ng iyong kapalaran na magtatagumpay ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-12-25-28-36-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Matamlay ang buhay kapag walang pakikipagsapalaran. Kaya makipagsapalaran ka! Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-17-20-26-33-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit gaano kakapal ang ulap, nakakasingit ang liwanag. Sisingit sa iyo ngayon ang isang munting buwenas na sa huli ay magiging isang malago at mabungang puno. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-16-21-27-29-30.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mararamdaman mo na parang ang sikip ng mundo. Kung marunong ka magtiis at maghintay, sa huli ay sasaiyo rin ang malawak at halos hindi mo masukat na ari-arian. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-9-11-15-23-35.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page