top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Marso 22, 2023 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 22, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 22, 2023


Sa may kaarawan ngayong Marso 22, 2023 (Miyerkules): Mas malakas ka kaysa sa iba. Mas mataas ang posibilidad na yumaman ka at habambuhay na lumigaya. Ipinapaalala ng langit na gamitin mo ang kalakasan at kakaibang suwerte para sa iyong kinabukasan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magpatulong ka sa may kakayahan. Hindi masama ang magpatulong sa iba dahil ang masama ay ang pananaw na hindi mo kailangan ang tulong ng ibang tao. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-20-29-30-31-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tanggapin mo ang reyalidad na paminsan-minsan ay hindi nagkakaunawaan. Ito ay talagang nangyayari sa buhay ng tao, kaya ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-24-28-30-33-37.

GEMINI (May 21-June 20) - Babalik sa iyo ang mga suwerteng pinalagpas mo dahil masyado kang naging abala sa mga maling pakikipagrelasyon noon. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-14-16-24-25.


CANCER (June 21-July 22) - Higit mong kailangan ang positibong pananaw. Ang hindi magagandang bagay sa iyong harapan ay dapat mong gawing positibo. Kapag nangyari ito, sunud-sunod na suwerte ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-12-23-38-40-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ang hindi makiisa sa iyo ay ‘wag mong pilitin. Kung siya ay napilitan lamang, magiging problema lang ang kanyang ikikilos. Ito ang paalala sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-20-28-32-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumagay ka sa gitna dahil ang isa sa papel mo sa mundo ay ang maging tagapamagitan. Ibig sabihin, ikaw ay nasa gitna lang. Sa ganitong paraan, maaayos mo ang anumang gulo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-18-21-28-30-33-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong iwanan ang masayang personalidad at kabaitan.

Dahil ang ugali mong ito ang may malaking maitutulong upang ikaw ay lalong pagpalain at suwertehin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-16-22-28-32.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo kailangan ang maraming kaibigan kung madaragdagan lang din ang pabigat sa iyong buhay. Mamili ka ng mga makakatulong sa iyo para makamit mo ang pangarap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-21-29-32-38-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masikip ba ang iyong mundo at dama mo bang hindi ka makausad? Bigyan mo ng luwag ang iyong sarili, magagaan na hakbang lang ang iyong unahin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-14-26-32-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makikita mo na magagalit sa iyo ang larawan ng iyong tagong pagkatao. Gayunman, huwag mong aawayin, sa halip, pakitaan mo ito ng maganda. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-21-27-39-40-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Suwerte ka ngayon. Sino naman ang mamalasin? Walang iba kundi ang mga lihim na naghahangad na mabigo at mapahamak ka. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-17-23-27-37-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung kaya mong gawin, gawin mo. Bakit ka pa magpapatulong sa mga tao na ang unang iniisip ay ang ibibigay mong gantimpala sa tulong nila? Ito ang paalala sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-7-18-20-29-38.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page