Horoscope | Marso 21, 2026 (Sabado)
- BULGAR

- 7 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 21, 2026

Sa may kaarawan ngayong Marso 21, 2026 (Sabado): Tinitiyak ng araw na ito, na kahit gaano kataas ang iyong pangarap, maaabot mo pa rin ito.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtiwala ka sa sarili mo. Ito ang pinakamalakas na sandata para maabot mo ang mga kagustuhan mo. Sa pagtitiwala sa sarili, ang lahat ay nagiging positibo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-21-29-39-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malalakas ang aalalay sa iyo. Ang mga may sinasabi ay bibigyan ka rin ng pabor. Kaya ngayon na ang pagkakataon mo para makuha ang pinakagusto mo. Huwag mo nang sayangin ang pagkakataon, sumugod ka na agad! Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-14-20-27-33-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Kambal na suwerte ang mapapasaiyo, pero may kondisyon na nagsasabing patawarin mo ang nagkamali, at huwag mo nang ungkatin pa ang kanyang pagkakamali. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-10-15-23-37-45.
CANCER (June 21-July 22) - Muli, dumikit ka sa alam mong may maitutulong sa iyo. Hindi ka mabibigo kapag pinakitaan mo sila ng kabutihan at pinasaya mo kahit sa pamamagitan ng maliliit na bagay. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-7-25-28-34-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Masyadong malakas ang dating mo at hindi maganda ang ganitong sitwasyon. Kaya ang payo ay magpakumbaba ka, dahil sa pagpapakumbaba, ang mga suwerte ay kusang lalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-10-22-31-35-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong hanapin ang kapintasan ng iyong kapwa. Magsasayang ka lang ng mahahalagang panahon na puwede mong magamit para mapaunlad ang sarili mong buhay. Masuwerteng kulay-crystal green. Tips sa lotto-5-17-25-30-39-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumukuha pa ng mas malakas na buwelo ang mga suwerte mo. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-16-26-33-37-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magpapalit ng susi ng tagumpay, at huwag mong gayahin ang iba kung hindi pa sapat ang iyong kaalaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-13-20-23-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag hindi mo nakuha, hindi ito para sa iyo. Hindi mo na kailangang habulin ang talagang para sa iyo, dahil mismong kapalaran mo na ang kusang magbibigay nito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-27-31-36-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tanggapin mo ang iniaalok sa iyo na alam mong magpapaganda ng iyong buhay, at lakasan mo ang loob mo. Tandaan mo, ang mahihina ang loob ay hindi umaasenso. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-21-29-35-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit noon pa man, ang mga nawawala sa iyo ay napapalitan ng mas maganda at mas kapaki-pakinabang. Kaya bakit ka malulungkot sa mga nawawala? Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-4-17-24-26-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyo ang araw na ito. Makikita mismo ng iyong mga mata ang pagbagsak ng iyong mahihigpit na kaaway, at kasabay nito ay ang pagdating ng sunud-sunod na suwerte sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-28-30-33-45.


Comments