Horoscope | Marso 21, 2023 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 21, 2023
Sa may kaarawan ngayong Marso 21, 2023 (Martes): Magpapatuloy ang magandang takbo ng buhay mo, dahil kusang inaayos ng iyong kapalaran ang mga pangit na pangayayari na dumaan sa iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mamumulat ang mga mata mo sa pagkakamali ng ibang tao. Hayaan mo lang dahil kapag nakialam ka, masisira ang masayang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-19-20-25-26-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malalakas ang kaba na iyong nararamdaman. Ito ay sa dahilang malalaki ang suwerteng darating sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-20-21-26-35-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magpatangay sa kislap ng mga pangyayari. Mas maganda pa rin na inihahanda at inaayos mo ang iyong kinabukasan. Ito ang mensahe para sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-22-25-27-36-39.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi dapat masira ang araw mo dahil sa kung anu-anong nababalitaan mo. Magtiwala ka sa iyong kapalaran, ikaw ay isa sa pinakamasuwerte ngayon. Muli, suwerte ka ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-22-28-33-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit mabawasan ka ng malaking buwenas, hindi ito kabawasan sa suwerte mo. Kikilos at kikilos ang langit upang paramihin pa ang kabuhayan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-21-24-26-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sobra pa sa sapat ang mga suwerteng mapasasaiyo. Ibahagi mo sa iba ang hindi mo kailangan dahil sa ganitong paraan, gagawin kang daluyan ng mga biyaya galing sa langit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-13-15-22-31-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magsaya ka, pero ingatan mo ang iyong kalusugan dahil ang tunay na masaya ay walang problemang pangkalusugan. Ito ang paalala ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-25-30-31-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahalagahan mo ang mga biyayang ipinagkaloob ng langit upang lalo kang pagpalain. Huwag mong hayaan na makasingit ang mga negatibong kaisipan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-10-16-18-28-32-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magbigay ng sobra upang hindi abusuhin ang iyong kabaitan. Hindi mo kailangan ang papuri at paghanga para masabing mabait ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-17-24-26-35-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Darating ang napakagandang kapalaran nang hindi mo namamalayan habang ikaw ay abala sa ibang bagay. Ito ang surpresang regalo sa iyo ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-12-16-29-31-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pansinin ang mga namimintas sa iyo. Isipin mo na noon pa man, marami na talagang inggit sa iyo, lantad man o palihim. Ito paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-25-28-37-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon ang araw na may pagkakataon kang dagdagan ang paghahanda para sa iyong kinabukasan. Huwag mong sayangin ang mga oportunidad. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-17-27-29-36-38.




Comments