Horoscope | Marso 20, 2026 (Biyernes)
- BULGAR

- 5 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 20, 2026

Sa may kaarawan ngayong Marso 20, 2026 (Biyernes): Makukuha mo lahat ng pangarap mo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang. Tandaan, kapag sinabing lahat, literal na lahat. Kaya kahit kailan, huwag kang bibitaw sa iyong mga pangarap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbabalita ang mga araw na darating na tatalunin ka ng iyong damdamin. Hindi ka magsisisi dahil ang damdamin mo ang magbibigay sa iyo ng sobrang kaligayahan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-19-23-30-34-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka ayon sa iyong nadarama. Kapag hinahadlangan ka ng isip mo, huwag mong pansinin. Sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng kakaibang saya at ligaya sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-10-29-33-37-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang mga kilos mo dahil makikita mo sa paligid mo ang pag-ibig. Ang pag-ibig ay may kakayahang pabagalin ang oras na kaugnay sa pagpapayaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-11-20-28-31-44.
CANCER (June 21-July 22) - Ito ang isa sa natatanging araw. Ito ay isang araw na magsisilbing simula para matupad na ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-21-30-32-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Walang sinabi ang napakalaking bumbilya sa napakagandang parke sa bayan na kagagawa lang, sa ganda ng takbo ng kapalaran mo. Sa katunayan, maraming masisilaw sa iyo at papangarapin ka nilang maging bahagi ng kanilang buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-13-19-27-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pakinggan mo ang mga musikang masasaya na nakakaindak kahit pa hindi ka marunong sumayaw. Magugulat ka, dahil tumutunog ang agos ng kapalaran mo na nagsasabing ang mga suwerte ay magdaratingan na sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-16-22-23-37-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo maaawat ang mga paa mo na pumunta sa lugar kung saan ka sasaya. At hindi mo rin maaawat ang sarili mo na umalis sa lugar kung saan puro kalungkutan lang ang nararanasan mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-17-24-27-35-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Isa-isahin mo ang mga hindi mo nagawa noon. Nangangako ang kapalaran mo na sa pagkakataong ito, ang mga ito ay magagawa mo na ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-20-25-36-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumibigat ang takbo ng mga pangyayari para sa iyo, pero wala kang dapat ikabahala, dahil ang mga mga anghel ay mabilis ding makakarating sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-21-26-35-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang malungkot kapag may mga suwerteng hindi napasaiyo. Magbabalik ang mga ito, na bitbit pa ang mas maraming bagay na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-10-15-27-30-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumukuha pa ng mas malakas na buwelo ang mga suwerte mo para mayanig ang mga taong nagnanais na masaktan at mabigo ka. Ito ang katotohanan sa buhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-23-31-38-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Paglaanan mo ng oras ang mga obligasyon mo. Ang lahat naman ay naaayos kapag ipinaplano ang mga aktibidad. Makikita mo, kapag laging nakaplano ang mga aktibidad mo, lalo na ngayong papalapit ang Mahal na Araw, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-19-29-38-45.


Comments