Horoscope | Marso 20, 2023 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 20, 2023
Sa may kaarawan ngayong Marso 20, 2023 (Lunes): Taglay mo ang kabutihang loob na siyang hinahangaan ng langit. Dahil dito, patuloy ang suwerte at magagandang kapalaran na darating sa iyo at habambuhay kang pagpapalain.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang araw na kapag nagkawanggawa ka sa mga kapus-palad, ikaw ay tatanggap ng malalaking biyaya mula sa langit. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-24-29-30-32.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang kutob mo, ‘yun ang totoo. Kung nakarinig ka ng mga paliwanag sa iba at nakutuban mo, ‘wag mo na itong paniwalaan. Ito ang payo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-19-20-24-29-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Pagmumuni-muni ang dapat mong gawin sa araw na ito. Tumahimik ka at isipin mo ang mga nakaraaan, kasalukuyan at mga posibleng maganap sa hinaharap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-24-27-37-40-42.
CANCER (June 21-July 22) - Lihim na aatras ang makakalaban mo ngayon. Natauhan sila dahil walang talab ang mga ginagawa nilang paninira sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-13-15-29-33-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sa ngayon, mahina ang loob mo, kaya umiwas ka muna sa malalapit sa iyo na paladaing at madalas ay nagpapaawa lang sa iyo. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-23-28-30-31-32-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ito ang panahon para sa iyong proyekto na may kaugnayan sa pagpaparami ng kabuhayan. Kung magpupumilit ka, ikaw ay mababawasan sa halip na magdagdagan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-16-19-21-34-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang hiniling, ‘yun lang ang ipagkaloob mo. Hindi na maganda kung paulit-ulit silang manghihingi sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-19-20-24-25-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Eksakto ang salita na hindi mo dapat kaligtaan sa araw na ito. Kapag nahuli ka, kahit ilang minuto lang, masisira ang magandang pagdating ng iyong suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-15-16-25-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maawa ka sa dapat kaawaan kaysa sa hindi naman talaga nakakaawa. Ang talagang nangangailangan ay magtatampo sa iyo kung mas pinili mo ang hindi naman kailangan ng tulong. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-17-22-26-30-35-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang magbibigay sa iyo ng saya ay susuwertehin. Kung sino ang magbibigay sa iyo ng problema ay mamalasin. Ito ang mensahe ng kapalaran para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-16-26-34-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gumawa ka ngayon ng mabuti at bubuti ang iyong buhay. Iwasan mong may magalit sa iyo nang sa gayun ay hindi umatras ang magagandang kapalaran na paparating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-20-21-26-33-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawak mo ang iyong kapalaran. Bihira lang dumating sa buhay ng tao ang pagkakataong sang-ayunan ka ng langit sa kahit ano’ng ikilos mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips para sa lotto-14-15-24-25-36-42.




Comments