Horoscope | Marso 2, 2021 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 2, 2021
Sa may kaarawan ngayong Marso 2, 2021 (Martes): Lalo pang pag-angat sa kabila ng mga hamon ng iyong kapalaran ang ibinabalita ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mo ang kaya mo at magugulat ka dahil maiiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga karibal at kakumpitensiya. Ito ang ginagarantiyahan ng araw para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-20-24-34-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi masama ang humingi ng tulong, pero ang masama ay ang humingi ng tulong sa alam mong may ibang hangarin sa iyo. Ito ang itanim mo sa isip at puso mo ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-28-31-35-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Kapag damdamin ang pinairal mo, talo ka. Kapag isip ang pinagana mo, ang mga problema ay hindi mananaig sa iyo. Ang tanong, saan pa ka? Eh ‘di dapat sa huli ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-18-22-30-39-40.
CANCER (June 21-July 22) - Unahin mo ang malalapit sa puso mo, pero puwede mo ring kalimutan ang mga taong walang magandang nagawa sa iyo. Ito ang paalala sa araw na ito na masuwerte ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-26-41-44-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nakabukas ngayon ang puso mo at ang balita ng iyong kapalaran ay nagsasabing, higit sa isa ang puwede mong papasukin sa puso mo. Hindi ito maganda para sa iyo kaya hadlangan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-16-26-33-35-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung sino ang tama, siya ang papanigan mo. Kahit ang malapit sa iyo, kapag nasa mali ay hindi mo aayunan. Tulad ng dati, ito mismo ang muli mong mararanasan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-21-23-38-40-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi makasasama sa iyo ngayon ang magbigay ng sobra dahil ang matatanggap mong biyaya mula sa araw na ito ay sobra-sobra sa iyong pangangailangan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-19-22-28-31-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ito gabay ng kapalaran, ito mismo ay mangyayari sa iyo kung saan ikaw ay tatalunin ng iyong awa kahit ang iyong kaaawaan ay madalas na sumira sa inyong usapan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-23-39-40-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Patuloy na sunud-sunuran ang marami sa paligid mo, pero ‘wag mong abusuhin ang prebelihiyong ito ng iyong kapalaran, kaya gamitin mo sa kabutihan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-12-26-34-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahina ka ngayon, kaya ang payo ay lumayo ka sa mapagpilit at makukulit. Dahil tatangayin ka nito sa gusto niya kung saan maaaring magsisi ka sa huli. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-16-20-22-27-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sundin mo ang iyong puso kahit panay ang kontra ng isip mo. Gawin mo ito kung gusto mong lumigaya. Ang kaligayahan, kahit kailan ay nagmumula sa puso at hindi sa isip. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-23-30-41-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mula sa mga kaibigan at malalapit sa iyo ang mga suwerte mo. Pakitaan mo sila ng maganda kahit palihim o hindi nila alam dahil ito ang kondisyon bago ka suwertehin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-19-20-24-38-29.




Comments