top of page

Horoscope | Marso 19, 2026 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 19, 2026



Horoscope


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 19, 2026 (Huwebes): Ipanatag mo ang sarili mo, kahit pa magkamali o maligaw ka ng landas, iisa lang din ang kauuwian mo at ito ay ang pagkakaroon ng magandang buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit saan, puwede kang sumaya. Hindi mo na kailangang lumabas pa ng bahay. Ang mga malalapit at ang ilang mga kaibigan mo ay pasasayahin ka kahit pa sila ay nasa malayo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-14-20-34-38-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makakaramdam ka ng kalungkutan, pero panandalian lang ito dahil agad din itong mapapalitan ng masuwerteng balita na ang ilang mga pangarap mo ay magkakaroon na ng katuparan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-17-23-28-39-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka puwedeng manatili sa bahay nang matagal. Ang payo ay mamasyal at maglibang ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-11-16-25-31-40.


CANCER (June 21-July 22) - Ngayon mo na mararamdaman na papaganda na ang iyong buhay. Huwag mong sarilinin ang mga biyayang mapapasaiyo; ang ilan dito ay dapat mong ibahagi sa kapwa mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-13-27-30-37-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Suwerte ka at ang panalo ay para sa iyo! Hindi ka bibiguin ng langit kahit pa ang maging laban mo ay talagang sobrang hirap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-14-21-29-32-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong kontrahin ang mga naririnig mong hindi magandang ideya. Mas makakabuti kung ‘di mo na lang ito papansinin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-12-22-26-32-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dagdagan mo pa ang kasipagan mo nang sa gayun ay hindi ka manghinayang sa malalaking magagandang bagay na mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-16-23-34-35-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ingatan mo ang bagong bagay na nasa iyo. Minsan, mahirap talagang maunawaan ang hiwaga ng kapalaran. Ang bagong bagay na pag-aari mo ay magsisilbing pampasuwerte mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-17-20-25-33-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sumunod at huwag kang tumutol sa mga payong ibabato sa iyo ng mga nasa mataas na ranggo. Sila ang higit na nakaaalam kung ano ang makakabuti at makakatulong sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-24-26-35-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magbigay ka para suwertehin ka. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran. Muli, huwag mong kalilimutan na magbigay. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-6-16-19-27-32-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nasa mga kaibigan na lagi mong nakakasama sa paglalakwatsa ang mga suwerte mo. Noon mo pa alam ang katotohanang ito dahil kakaibang saya ang dulot nila sa buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-14-28-30-34-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag ka magtiwala sa kahit na sino. Mas pagkatiwalaan mo ang sarili mo. Mabilis mong sundin ang ipagagawa ng isip mo sa iyo. Kapag ganito, magugulat ka, dahil malalaking suwerte ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-22-28-31-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page