top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Marso 19, 2021 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 19, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 19, 2021



Sa may kaarawan ngayong Marso 19, 2021 (Biyernes): Hindi lang isa ang iyong suwerte dahil ang totoo, napakaraming suwerte ang nakalaan sa iyo. Huwag na huwag mong kaliligtaan na magpasalamat sa nasa itaas.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sasaya ka kahit nakikitang niyayakap mo ang lungkot. Wala kang sapat na batayan para malungkot nang matagal dahil lang sa iyong ilang kabiguan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-19-20-24-39-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hinahabol ka ng mga suwerteng inutusan ng langit na dumapo sa iyo. Ang payo ay nagsasabing magdahan-dahan ka sa mga aktibidad na wala namang mahalagang kauuwian. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-12-16-29-31-32.


GEMINI (May 21-June 20) - Doble-doble ang suwerte mo. Magugulat ka dahil akala mo, kapag sinuwerte na ay wala nang kasunod na iba pang mga suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-25-27-35-41.


CANCER (June 21-July 22) - Kalimutan mo na ang mga problema. Ang mga araw na ito ay para sa pagpapasaya sa sarili. Magugulat ka dahil kapag masaya ka, ang mga problema mo ay kusang nalulutas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-18-24-28-35-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Nakagugulat ang mga magaganap dahil ang mga kontrabida sa buhay mo ay mahimalang mamalasin at magsisipangit ang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-19-21-25-34-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dumikit ka sa masayahin at ikaw ay bubuwenasin. Tanungin mo ang iyong sarili, bakit ka nga ba didikit sa malungkutin? Ikaw na mismo ang magsasabi na mali ang ganu’n. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-22-23-39-40-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makikitang nagsasawa ka na sa sarap ng buhay na iyong tinatamasa ngayon. Nagbababala ang biglaang pagbabago ng prayoridad mo kung saan ang gugustuhin mo ay simpleng buhay lang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-24-27-31-33-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit sobrang abala ng tao, hindi niya dapat makalimutan ang sarili niya. Isingit mo ang personal ganda at huwag mo ring pabayaan ang iyong pagkain at pag-eehersisyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-19-20-24-30-32.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang makipagsapalaran sa hindi naman bagay sa iyo. Kahit makuha mo ito, wala namang magandang mangyayari sa iyo dahil pawang problema ang hatid nito sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-21-24-33-38.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aalalayan ka ng langit ngayon, kaya ang mga imposibleng bagay ay iyong kakayanin. Ang totoo, palagi ka namang inaalalayan ng nasa itaas kahit minsan ay may pag-aalinlangan ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-14-29-30-39-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakambal mo ngayon ang mga suwerte. Mapapahiya ang mga nag-aakalang mamalasin ka at mabibigo sa mga gusto mong mangyari. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-17-26-27-30-31.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ikaw lang, hindi mo kaya ang gustung-gusto mong gawin. Pero may mga kaibigan ka na handang alalayan ka kahit sa totoo lang ay hindi mo sila binibigyang-halaga. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-15-22-28-35-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page