Horoscope | Marso 18, 2023 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 18, 2023
Sa may kaarawan ngayong Marso 18, 2023 (Sabado): Itinakda kang yumaman nang todo. May bilin lamang na mahalin mo ang iyong yaman. Hindi puwedeng sayangin mo ang mga ito sa mga walang kuwentang aktibidad.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Huwag mong sayangin ang pagkakataon, ituon mo ang iyong atensyon sa pangkabuhayang aspeto. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-16-27-28-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Itago mo ang kaduwagan, umasta ka na ikaw ay matapang. Sa ganitong paraan, lalayo ang mga nais na sumira ng iyong diskarte. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-20-21-24-26.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ngayon ang panahon ng pagsasaya at paglalakwatsa. Ngayon mo dapat harapin nang mukhaan ang mga hamon ng kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-22-23-28-30-35-42.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pansinin ang taong ayaw sa suwerte. Ituloy mo ang iyong kabutihan dahil ang lahat ng suwerte na wala sa iba ay mapupunta sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto -11-17-19-24-26-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw ang panggagalingan ng lakas ng isang nawalan ng sigla para ipagpatuloy ang paglaban sa mga hamon ng kapalaran. Ito ang papel mo sa mundo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-28-31-35-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi puwede na patuloy kang nag-aalinlangan sa kung ano ang maganda para sa iyo. Ang totoo, kahit ano ang piliin mo, makakaasa ka na gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-10-16-27-35-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mapapalaban ka ngayon, ngunit ikaw ang mananalo. Ang makakalaban mo ay hindi makakapaniwala na sa gitna ng paglalaban n’yo, siya ay magkakagusto sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-22-26-31-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon darating ang mga suwerteng hinihintay mo. Huwag kang magkamali na sobrang matuwa, kung saan ipamimigay mo pa ito sa iba. Tandaan, ang mga ito ay para sa iyo lamang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-17-20-21-25-26.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Aalalayan ka ng langit sa gusto mong gawin. Para malinaw, alalay lang, ibig sabihin, ikaw pa rin ang kikilos at magsisikap. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-21-28-30-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Suportado ka ng langit sa pakikipaglaban mo sa mga hamon ng kapalaran, kaya wala kang sapat na dahilan para umatras at matakot. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-21-27-28-32-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Manahimik ka kapag may naninira sa iyo. Sa pananahimik, hindi mo kailangang ipaliwanag ang panig mo. Ito ang mensahe ng kapalaran para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-9-11-14-22-29.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Palalakasin ang loob mo ng isang nagmamalasakit sa iyo. Siya rin ang magsisilbing pampasuwerte mo, ibig sabihin, dahil sa kanya, ikaw ay susuwertehin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-15-16-28-34-38.




Comments