top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Horoscope | Marso 19, 2023 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 19, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 19, 2023


Sa may kaarawan ngayong Marso 19, 2023 (Linggo): Kabilang ka sa ilang mapalad na nilalang dahil bukod sa palagi kang buwenas, ang suwerte ng iba ay sa iyo pa rin mapupunta. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sa masayahing tao ka dumikit nang sa gayun ay masungkit mo ang suwerteng gustong-gusto mong mapasaiyo. Lumayo ka naman sa mga malungkutin, takot at mga mahiyain. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-11-18-20-21-24-26.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Doble ang suwerte kapag nagawa mong magpakita ng pagmamahal sa hindi mo kilala at sa mga taong sa tingin mo’y kailangang tulungan at bigyan ng alalay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-22-25-28-38-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Sa araw na ito, pasayahin mo ang mga batang musmos. Ito ang isa sa sikreto ng kapalaran mo, magdadagsaan sa iyo ang magagandang bagay. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-17-21-26-27-37-41.


CANCER (June 21-July 22) - Madali lang gawin kung iyong gugustuhin, bigyang-pansin mo ang matagal mo nang hindi pinapansin. Magugulat ka dahil kikilos ang iyong kapalaran at ikaw ay susuwertehin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-23-25-35-36-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magiging tulay ka ng grasya ng iba na magmumula sa Diyos. Dahil dito, tatanggap ka ng maraming biyaya. Ilalaan din sa iyo ang masaganang buhay na para lang sa mga espesyal na nilalang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-23-31-33-39.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamitin mo ang iyong husay sa pagtutuos. Sa trabaho, kumikita ka ba ng malaki o hindi? Umalis ka sistemang mababa ang sahuran, kung saan ka kikita ng malaki, dapat du’n ka. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-6-11-17-28-30-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sinisinop ang pinaghirapan at hindi dapat hayaang mawala. Alalahanin mo ang mga hirap, pagod at pagsasakripisyo mo. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-24-26-34-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mapanatag sa magandang takbo ng iyong negosyo. Dapat paghahandaan ang araw ng kagipitan. Ibig sabihin, kapag kumikita ka ng malaki, mag-ipon ka upang may mapagkunan sa panahon ng kagapitan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-16-22-29-30-31-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ang mga galanteng tao ay pansamantala lang ang kasiyahan. Huwag mo silang tutularan. Ipinaaalala ng iyong kapalaran ang kahalagahan ng paghahanda para sa kinabukasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-21-25-27-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang umasa! Mas maganda kung kikilos ka para sa iyong sarili. Mas maganda na sila ang umasa sa iyo kaysa ikaw ang umasa sa kanila. Ito ang mensahe ng kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-19-21-27-28-30-31.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sa araw na ito, pagkakalooban ka mismo ng suwerte ng Diyos. Ang mga suwerteng ito ay para sa iyo talaga, kaya pahalagahan at mahalin mo ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-21-22-25-27-39.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon. Ang dumadating at ang umaalis sa iyo ay babalik. Patunay lang ito na sobrang mahal ka ng Diyos at ikaw ay paliligayahin niya. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-14-20-22-29-33-36.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page