top of page

Horoscope | Marso 17, 2026 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 17, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Marso 17, 2026 (Martes): Pinatibay at pinatatag ka ng iyong karanasan upang makayanan mo ang malalaki at mabibigat na suwerteng nakalaan sa buhay mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong labanan ang agos ng iyong buhay. Hindi ikaw ang magpapasya kung ano ang mabuti para sa iyo, dahil langit ang gumagabay sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-12-19-29-33-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dahil sa langis kaya may liwanag at dahil sa inspirasyon, ang tao ay sumisigla. Ito ngayon ang kailangan mo—ang magkaroon ng isang tao o isang bagay na magpapasigla sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-17-21-28-38-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ito ang araw para sumugod. Mas kailangan mo ngayon ang pananahimik at mapayapang diwa’t isipan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-14-23-31-37-42.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi nila puwedeng mahalata na ikaw ay mahina. Kaya magkunwari kang malakas nang sa gayun ay patuloy na maisip ng mga lihim at lantad mong kaaway na hindi ka nila kaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-13-20-25-39-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pairalin ang ngipin sa ngipin at mata sa mata. Mas maganda kung pag-ibig ang ipapanapat mo sa galit. Alalahanin mong mas masarap magmahal kesa makipag-away. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-10-16-21-24-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung saan ka madadalian, iyon ang piliin at gawin mo. Bakit mo pahihirapan ang iyong sarili, gayung may mas magaan at madali naman? Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-6-18-26-30-33-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang makisawsaw sa gulo ng iba. Wala nang gaganda pa sa buhay na payapa at masaya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-15-22-31-36-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gumagaan ang problema kapag ito ay naihahayag sa mga pinagkakatiwalaan mong tao. Mas lalo namang lumalaki ang problema kapag ang napagsabihan mo ay mahina ang pagkatao at dalahira. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-8-14-20-28-31.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang panghinaan ng loob. Ang kaharap mong suliranin ay mas maliit kesa sa mga problemang iyong napagdaanan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-27-31-39-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Para sa iyo ang panalo, pero kailangan mong maunawaan na bago ka manalo, kailangan mo munang makipaglaban. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-23-25-37-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon ang tamang araw para kumilos ka ayon sa matagal mo nang plano dahil ang mga kontrabida sa buhay mo ay abala sa kani-kanilang mga problema. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-13-19-21-32-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Umiwas ka sa mahirap banggaing kalaban. Hindi sa matatalo ka, kundi dahil may madaling paraan upang makuha ang gusto mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-18-24-35-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page