top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Marso 17, 2023 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 17, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 17, 2023


Sa may kaarawan ngayong Marso 17, 2023 (Biyernes): Magpahiram ka ng suwerte sa mga gustong suwertehin dahil kakaiba ang araw na ito na nagsasabing, ikaw ang pinakamasuwerteng nilalang sa bulto ng napakaraming mga tao.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabigat ang araw na ito, pero gagaan kapag kasama mo ang nagbibigay sa iyo ng inspirasyon. Ang totoo, kahit ang malalaking pagsubok ay iyong malalagpasan, basta kasama mo siya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-6-11-19-25-38.

TAURUS (Apr. 20-May. 20) - Ito ang araw na inilaan sa iyo ng langit. Kaya ito rin ang araw na puwede kang humiling ng kahit ano, basta hindi ka nag-alinlangan, ito ay tiyak na matutupad. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-2-18-20-24-26-36.


GEMINI (May. 21-June. 20) - Babagal ang kilos mo ngayon dahil ang gusto ng langit ay pag-aralan mo nang mabuti ang mga gusto mong gawin. Ang pagmamadali ay tiyak na hindi makabubuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-25-28-34-38-40.

CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang gawin mo. Isang pang-aabuso sa sarili na piliting kayanin ang hindi naman kaya. Hindi ito mabuti sa kalusugan at katawan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-27-29-30-32-35.


LEO (July 23-Aug. 22) - Bawal sa iyo ang magalit sa mga mahal mo sa buhay at malalapit sa iyo. Mas magandang habaan ang pang-unawa at lawakan ang isip. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-21-26-27-32-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang makisalo sa gulo. Mabilis kang umiwas sa mga taong hindi nagkakaintindihan. Tandaan mong negatibong puwersa ang puwedeng malipat sa iyo kapag pinanghimasukan mo ang problema ng ibang tao. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-20-25-31-38-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pahinga sa katawan at isip ang kailangan mo ngayon. Ang pahinga sa isip ang higit na mahalaga para sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo, kaya magpahinga ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-23-25-38-40-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mabuhay ka nang masaya dahil ito ang mas maganda para sa iyo. Kaya iwasan mo ang mga iyakin, malungkutin, reklamador at iba pang negatibong tao. Ito ang babala para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-14-22-25-39-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gawin mong mag-isa ang gusto mo gawin. Huwag ka nang magyaya ng kasama, hindi maganda ngayon na may ibang tao sa tabi mo dahil hindi matatapos ang iyong gagawin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-22-26-30-31-34.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyong-iyo ang araw na ito. Magsabi ka ng kahilingan mo sa langit, ikaw ay pakikinggan dahil nakatapat sa iyo ang tainga ng langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-22-23-38-39-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mataas ang lipad mo, ayon sa mga taong inggit sa iyo. Totoo ito dahil sa kasalukuyan ay iaangat ka mismo ng langit na napakataas na pedestal ng buhay at sa huli, ang poproblemahin mo ay kung paano ka bababa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto- 6-18-26-29-30-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawakan mo nang mahigpit ang aral sa buhay na iyong natutunan sa nakaraan. Ang mga ito ang magbibigay sa iyo ng magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-15-29-32-38.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page