top of page

Horoscope | Marso 16, 2026 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 16, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Marso 16, 2026 (Lunes): Gamitin mo ang mayaman mong imahinasyon upang sumakses ka. Iwasan mong magamit sa walang kuwentang bagay ang napakatalas mong imahinasyon.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabilis kang aasenso sa paraang hindi ka gaanong mahihirapan, lalo na kapag tinularan mo ang mga asensadong tao. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-20-24-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong itabi ang lahat ng hawak mo, bagkus paramihin mo ito para lumigaya ka. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-13-21-28-32-44.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong gawing bahagi ng iyong proyekto ang pagdadalawang-isip. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-10-14-25-39-45.


CANCER (June 21-July 22) - Kakayanin ng iba ang hindi mo kaya. Kaya may pag-asa ka pa na makuha ang gusto mo sa tulong ng mga taong alam at nauunawaan ang iyong kahinaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-13-15-22-31-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Namamahinga ang lahat ng may buhay sa mundo. Kaya hindi masama kung mamahinga ka rin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-19-26-34-37-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipakita mong desidido ka para makita mo rin kung paano humanga ang langit sa mga taong hindi basta-basta umaayaw. Muli, ipakita mong desidido ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-18-21-32-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Piliin mo ang daan kung saan hindi ka mahihirapan. Oo, sa una hindi ka mahihirapan, ngunit pagkatapos nito ay tuturuan ka ng mga mahahalagang aral sa buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-14-23-25-33-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pabalik-balik lang ang mga pangyayari sa mundo. ‘Pag matandain ka, ‘di ka maaapektuhan sa pagbabalik ng mga araw. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-13-22-28-31-39.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ipamigay mo ang mga bagay na hindi mo na kailangan. Mas magandang mapasaya mo ang inyong kapwa kesa dumami lang ang mga luma mong kagamitan na nagiging abubot na. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-27-31-38-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tanggapin mo ang pagpapakumbaba ng nagkamali. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-15-17-23-26-28.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malayo ang isip mo sa ginagawa mo. Madalas ito ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan ninyo ng karelasyon mo dahil napagbibintangan ka niya na iba ang taong iniisip mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-19-25-33-35-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipilit mo ngayon ang mga gusto mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-14-18-29-38-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page