Horoscope | Marso 16, 2023 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 16, 2023
Sa may kaarawan ngayong Marso 16, 2023 (Huwebes): Malayo ang iyong mararating. Ibig sabihin, maraming tagumpay sa buhay ang mapasasaiyo sa iba’t ibang larangan. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gumamit ka ng mga bagong ideya upang lalong lumago ang iyong kabuhayan. Ang halaman ay lumalago dahil sa mga bagong dahon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-11-20-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pag-aralan mong mabuti ang inaalok sa iyo na pagkakakitaan. Huwag kang matukso sa matatamis na salita at magagandang pangako. Ito ang paalala ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-5-11-15-16-24-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Kakaiba ang dating ng mga salita mo dahil nakakaakit na, nakakabaliw pa. Pero mag-ingat ka dahil ang mga wala nang karapatan ay puwede pa ring maaakit at mabaliw. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-26-29-36-42-44.
CANCER (June 21-July 22) - Gawin mo ang gusto mo. Ang araw na ito ay papabor sa mga kilos at layunin mo sa buhay. Ngayon ang napakagandang oportunidad kung kailan susulong ang buhay mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-4-19-20-24-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magsalita at kumilos na para kang nasa mababang kalagayan. Ikaw ay nilikha na may mataas na personalidad na angat kaysa sa sinuman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-16-18-21-25-26.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maglalabas-pasok sa isipan mo ang napakaraming magagandang ideya. Hindi ka muna makakakilos dahil malilito ka kung ano ang puwede mong isabuhay sa mga ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-25-28-30-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Labanan mo ang iyong isip dahil makikitang pabago-bago ang takbo nito. Mabagal umasenso ang taong paiba-iba ng gusto at hindi maituloy ang nasimulang magagandang plano. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-5-15-17-29-30-31.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muling nagbalik ang iyong mayamang imahinasyon. Magagamit mo ito sa pagpapabilis ng iyong pag-unlad. Iwasan mo itong gamitin sa pag-iisip ng negatibong bagay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-25-27-31-35-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang matakot na makipagsapalaran. Ang katakutan mo ay ang kawalan ng pag-usad ng iyong buhay. Sa pakikipagsapalaran, marami kang mapapakinabangan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-12-25-31-34-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magpagamit sa kahit na sino. Mas makabubuting ikaw ang gumamit sa mga taong dikit nang dikit sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-11-14-15-27-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malilito ka sa dami ng puwedeng magbigay sa iyo ng magandang buhay. Ang masuwerteng balita ay nagsasabing kahit sino sa kanila ang mapili mo, suwerte ang iyong makukuha. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-16-19-24-28-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Sa ngayon ay dumadaan ka sa tinatawag na pagsasaayos ng kapalaran mo. Pagkatapos nito ay magdadatingan sa iyo ang mga suwerte na iyong kailangan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-19-22-25-31-33.




Comments