Horoscope | Marso 15, 2026 (Linggo)
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 15, 2026

Sa may kaarawan ngayong Marso 15, 2026 (Linggo): Kumikilos ang kapalaran mo para pagandahin ang buhay mo. Kahit pa may mga pagkakataong nagkakamali ka ng diskarte, aayusin pa rin ito ng langit tungo sa higit mo pang ikatatagumpay at ikauunlad.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magugustuhan mo ngayon ang magaganda, lalo na’t dito ka makakakuha ng sigla at inspirasyon. Sa ganitong paraan, mas lalo kang mapapalapit sa iyong pangarap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-19-26-28-33-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagbabalita ang araw na ito na dadagdagan pa ng langit ang mga suwerte mo, pero nagbababala rin ang araw na ito na mas lalo pang dadami ang bilang ng mga maiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-16-21-27-31-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong baguhin ang mga nakikita mo. Ang tama ay tama, at ang mali ay mali. Hindi makakabuti sa iyo na ang mali ay hahanapan mo ng katuwiran upang matawag lamang na tama. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-28-35-39-44.
CANCER (June 21-July 22) - Walang pagsidlan ngayon ang iyong kaligayahan dahil ang inaakala mong gagawa sa iyo ng hindi maganda ay siya pang magiging dahilan kung bakit ka bubuwenasin. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-5-16-25-32-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mabilis na iikot ang orasan ng iyong kapalaran at matatagpuan mo na ang bagay na para sa iyo. Kaya ‘wag mong kalimutang magpasalamat sa Diyos. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-13-20-27-33-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mapapahiya ang mga hahatol sa iyo. Susuwertehin ka, at ang mga taong sisimpatiya at magmamahal sa iyo ay bubuwenasin din. Masuwerteng kulay-olive green. Tips sa lott-5-15-19-28-38-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magsisimula ang bagong kabanata ng buhay mo. Ito ang nangyayari sa buhay ng isang tao, lalo na kapag kumapit siya sa maling pag-ibig. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-25-27-30-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kakaibang gayuma ang mapapasaiyo. Ang mga taong maaakit mo ay may kakayahang bigyan ka ng masarap na buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-17-24-32-37-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Madali mong mapapasunod ang mga inuutusan mo sa pamamagitan ng banayad at marahang boses, at ang resulta ay eksakto sa kung ano ang kailangan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-14-22-29-31-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magugulat ka ngayon, dahil kahit wala ka namang kakaibang ginagawa, lalapit pa rin sa iyo ang taong hindi mahilig makipagkaibigan. Sa katunayan, matagal na niyang gustong maging kayo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-18-21-26-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magpakatatag ka at maging matibay dahil ang mga tukso ay magbabalikan sa buhay mo, sa pagkakataong ito ay mas malakas sila kesa sa nagdaang mga araw. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-16-23-34-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magagawa mo na kung ano ang gusto mo dahil ang regalo ng langit para sa iyo ay nakakamanghang tapang at lakas ng loob. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-7-25-27-30-43.


Comments