Horoscope | Marso 15, 2023 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 15, 2023
Sa may kaarawan ngayong Marso 15, 2023 (Miyerkules): Kumikilos ang kapalaran para sa ikagaganda ng iyong buhay kahit ikaw ay nakakagawa ng pagkakamali. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong kapanganakan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Piliin mo ang maganda sa paningin mo. Dagdag-inspirasyon ang bawat magaganda sa buhay mo. Huwag mong pipiliin ang hindi magaganda dahil mapapahamak ka lamang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-23-29-30-33-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ang lahat ng magaganda ay ipagkakaloob sa iyo. Anuman ang ialok at matanggap mo mula sa kahit kanino at ano’ng okasyon, tanggapin mo lang. Bukod sa maganda ang makukuha mo, may kasama pa itong suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-17-20-21-26-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Madadagdagan ang iyong yaman at ang puso mo ay mag-uumapaw sa galak. Mas sasaya ka kapag pinasaya mo ang mga nasa paligid mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-21-26-31-37.
CANCER (June 21-July 22) - Lakasan mo ang iyong loob. Ang mga suwerte ay magsisimulang dumating sa iyo kapag malakas at buo ang loob mo. Sugod at tapang ang dapat mong pairalin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-18-22-24-33-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi maiiwasan na mabawasan ang iyong kaban-yaman. Gayunman, tinitiyak ng iyong kapalaran na ang mga mawawala sa iyo ay papalitan ng langit nang higit at doble pa sa mga nawala. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-9-10-18-21-25-27.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumilos ka na parang hawak-hawak mo na ang gusto mo. Isang pormula ito ng tagumpay na nagsasabing, kapag ang isang tao ay positibo, makukuha niya ang anumang kanyang gusto. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-20-29-30-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang ikagaganda ng buhay mo, ‘yun ang mangyayari sa iyo. Kung sakaling hindi mo gusto ang nagaganap, ito ay pagsasaayos lamang ng kapalaran para sa iyong ikabubuti. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-16-19-28-33-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag kalmado ang isang tao, siya ay mas nakakapag-isip kung ano ang mabuti at tama. Dagdag pa rito, papasok din sa isip niya ang mga paraan kung paano siya susuwertehin nang todo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-25-28-34-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang mas malaki, ‘yun ang para sa iyo. Kaya huwag kang maghangad ng maliit dahil mabibigo at masasaktan ka lang. Ito ang hiwaga ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-18-20-23-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang masyadong agresibo kung paano ka susuwertehin dahil magsisilapit sa iyo ang magagandang kapalaran na ikagugulat mo at ng mga tao sa iyong paligid. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-19-20-29-33-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang mga kaganapan, ang mga suwerte ay parang lumilipad at dadapo sa iyo. Dapat lang na pasayahin mo ang mga hindi naging mapalad upang lalo ka pang datnan ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-16-19-20-21-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi dumadapo ang mga suwerte sa malungkot. Ang mga suwerte ay napupunta lang sa magagandang personalidad. Ipinapaalala sa iyo na ang suwerte ay ang pagiging masaya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-20-24-33-39.




Comments