Horoscope | Marso 15, 2021 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 15, 2021
Sa may kaarawan ngayong Marso 15, 2021 (Lunes): Mismong langit ang magpapaganda ng iyong kapalaran. Ibig sabihin, kung ikaw lang ang aasahan, baka hindi gumanda ang buhay mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang maganda sa tingin, siya ang gustuhin mo. Hindi para sa iyo ang sinasabing piliin ang hindi maganda sa paningin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-13-24-28-35-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Suwerte ka ngayon dahil ibinalik ng langit ang mga araw na ikaw ay suwerte dahil nakita ang mga lihim at lantad mong kaaway na minamaliit ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-21-25-30-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Napakalakas ng karisma mo ngayon. Ito ay maganda kung sa negosyo magagamit at ito ay hindi tama kapag sa maling pakikipagrelasyon naitutok. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-18-28-31-32.
CANCER (June 21-July 22) - Hawak mo ang isip at puso ng madikit sa iyo. Hindi man nila ipahalata, ito ay mapupuna mo rin. Ang isa pang katangian mo ay malakas ang iyong kutob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-27-38-40-41-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahina ka ngayon at ang kahinaan mo ay mga tukso. Aminin mo man o hindi, ganu’n pa rin ang payo, umiwas ka sa alam mong nakakatukso ang kilos at mismong pagkatao. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-15-16-25-33-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mamahalin ka ng naghahanap ng talino, mamahalin ka rin ng mga gusto ay may kabuluhan ang sinasabi. Ikaw naman ay hindi agad-agad magmamahal dahil takot ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-20-28-30-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon mo na hilingin sa langit ang iyong pinakagusto sa buhay. Gagawan ito ng paraan ng langit kahit may pagkaimposible o sobrang hirap mangyari. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-21-29-31-34-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ikaw mismo ang magtataka sa iyong sarili dahil akala ng iba, ikaw ay malapit na kaibigan nila, pero ang hindi nila alam, hindi naman ganu’n ang totoo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-18-22-26-34-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Inspirasyon ang iyong kailangan ngayon kaya lumayo at umiwas ka sa iyong mga kinaiinisan at sa mga taong wala ka namang nakikitang maganda sa mga kilos at isip nila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-16-29-31-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - May lihim kang pagtingin sa isang malapit sa iyo. Mananatili itong lihim at ang dahilan ay nagsasabing ikaw ay talaga namang nabubuhay sa lihim. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-10-15-23-30-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Palayain mo ang iyong sarili sa biglang ikaw ay masayahin pero ang totoo, kapag nag-iisa ka at walang kasama, sobrang lungkot mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-17-29-37-41-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka mabibigo kapag kumilos ka ayon sa mga plano mo. Kaya ka lang nabibigo ay dahil wala kang plano sa buhay mo noon pa man. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-14-18-20-25-35.




Comments