Horoscope | Marso 14, 2023 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 14, 2023
Sa may kaarawan ngayong Marso 14, 2023 (Martes): Yayaman ka ‘pag ikaw ay nagsimulang magnegosyo. Ano pang hinihintay mo? Simulan mo nang magplano para sa bagong kabuhayan. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Itinutulak ka ng iyong sarili na maging mabilis sa lahat ng bagay. Ito ay upang mapasakamay mo ang naggagandahang kapalaran na nasa iyong harapan ngayon. Huwag kang mag-alinlangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-10-14-27-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong sayangin ang kakaibang sigla na sumasaiyo ngayon. Mamili ka ng mga gusto mong gawin, isa lang ang iyong piliin at ito ay iyong tutukan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-21-24-27-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon ang araw mo, kaya malaya mong magagawa ang anumang gusto mo. Kahit may mga kokontra sa iyo, wala rin silang kakayahang pabagsakin ka. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-8-11-17-25-27-35.
CANCER (June 21-July 22) - Matatangay ka ng iyong damdamin, kaya patuloy kang nagbibingi-bingihan sa mga payo ng malalapit sa iyo. Liligaya ka kung susundin mo ang iyong wisyo at pagpapasya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-23-28-37-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-isip ka nang mabuti bago gawin ang anumang gusto mo. May babala na kapag hindi pinag-isipang mabuti ang mga ikikilos, ang kabiguan ay puwedeng mapasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-21-23-27-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mananalo ka ngayon sa kondisyon na ayusin mo muna ang sigalot sa pagitan ng iyong karelasyon. Kapag nagkaayos kayo, mas matamis kaysa sa dati ang inyong pagmamahalan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-19-21-26-28-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon. Ang ayaw ibigay sa iyo ay makukuha mo nang madali. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-22-24-27-30.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mag-alala dahil ang pag-aalala sa kasalukuyan ay siyang gigipit sa iyo. Alam na alam nila na mahina ang katwiran at dahilan na kanilang kinakapitan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-25-26-36-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nalalanta ang mga bulaklak kahit ito ay dinidiligan. Hihina ngayon ang mga tuksong gustong sumira ng kapalaran mo kahit sa totoo lang ay kinukunsinti mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-18-22-28-30-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Totoo sa buhay mo ang kasabihang “Aayaw-ayaw pero gusto naman.” Gayundin, totoo na ang gusto mo ay mapasasaiyo tulad ng dati, na parang ayaw mo sa simula. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-16-18-26-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sabihin mo nang direkta kung ano ang laman ng iyong puso. Sa totoo lang, ang reklamo ng karelasyon mo ay dahil hindi ka madaling maunawaan. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-9-17-23-27-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong paasahin ang walang pag-asa. Tanggapin mo ang katotohanan na siya ay malulungkot, pero ang lungkot niya ay hindi magtatagal. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-21-28-30-31.




Comments