Horoscope | Marso 13, 2023 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 13, 2023
Sa may kaarawan ngayong Marso 13, 2023 (Lunes): Pagagandahin ng langit ang buhay mo dahil ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang. Walang pasubali, nangunguna ang pangalan mo sa mga pagkakalooban ng magandang kapalaran sa araw na ito.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sumabay ka lang sa agos ng kapalaran at huwag kang sasalungat. Makakaasa ka na dadalhin ka nito sa kung saan ka liligaya. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-17-20-27-30-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipakita mo na desidido ka at huwag kang mag-alinlangan kahit kaunti. Kapag desididong-desidido ka, ang malalaking suwerte at magagandang kapalaran ay isa-isa nang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-19-21-24-39-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Hahawiin ng langit ang mga sagabal sa landas ng iyong buhay. Ngayon ay bibigyan ka ng pagkakataon na magawa nang mabilis ang gusto mong mapasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-22-23-38-41.
CANCER (June 21-July 22) - Kahit mag-alinlangan ka, wala na itong epekto. Dahil noon pa itinakda na sa araw na ito ay lalong gaganda ang buhay mo. Magpasalamat ka palagi sa itaas. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-11-14-23-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw lang naman ang nakakalimot. Palaging nakabantay sa iyo ang langit at handang ibigay kung ano talaga ang pangangailangan mo. Magtiwala ka, mahal ka at lagi kang iniingatan ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-17-18-20-24-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamitin mo ang talas ng iyong isip para hindi makalusot ang mga may hindi magandang motibo at may mga patagong kilos na pansarili lang nila ang makikinabang. Masuwerteng kulay- violet. Tips sa lotto-15-19-24-27-35-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka mahina, pero kailangan mo ng alalay. Noon pa man, palagi kang may alalay. Kaya mali ang balak mo na alisin sa buhay ang mga umaalalay sa iyo at ikaw na lang mag-isa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-18-22-27-32-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mangamba para sa iyong hinaharap. Inayos na ng langit ang iyong kinabukasan. Sa ngayon, sa totoo lang, ang mga problema mo ay pansamantala lang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-15-23-28-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kailangang maganda ang iyong kalusugan dahil nababalewala ang mga nakakamit na magagandang kapalaran kapag ang tao ay may mahinang pangangatawan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-17-20-21-27-29-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Samantalahin mo ang mga araw na mabilis at madali mong magagawa ang anumang gusto mo dahil ang lahat ng ito ay matutupad mo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-11-18-27-32-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pahalagahan mo ang iyong sarili. Mali ang patuloy kang nagsasakripisyo. Mahalin mo ang iyong sarili dahil wala namang magmamahal sa iyo nang totoo kundi ang sarili mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-19-21-28-30-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi pa huli ang lahat. Anumang sandali ay puwedeng baguhin ang kailangang baguhin, lalo na ang mga pagkakamali. Kapag nagbago na ang mga pagkakamali, tuloy-tuloy na ang dating ng suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-14-12-26-39-40.




Comments