Horoscope | Marso 13, 2021 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 13, 2021
Sa may kaarawan ngayong Marso 13, 2021 (Sabado): Bago mo payamanin ang iba, unahin mo ang iyong sarili. Hindi masama ang tumulong, pero kailangan ay una mong tulungan ang iyong sarili.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Aakalain mong masikip ang landas ng buhay na iyong tinatahak. Ang totoo, masikip nga ito pero para sa mga gustong sumingit na may layunin tulad mo, matitiyak ang tagumpay at pagwawagi. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-14-23-28-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumayo ka sa mga paladaing dahil mahahawa ka sa kanila at sa huli, ikaw ay makikitang daing nang daing. Hindi lang tukso ang nilalayuan, ang mga negatibong tao ay kailangan ding iwasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-13-18-20-24-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Malalaman mo ngayon na ang suwerte ay humihila pa ng pahabol na suwerte. Kumbaga, kapag dumarating ang mga suwerte mo, ito ay may kasunod pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-24-29-31-37-41.
CANCER (June 21-July 22) - Pagtutok ang kailangan mo sa gusto mong mapasaiyo. Ang ibang bagay ay kalimutan mo na dahil isang bagay lang ang dapat mong bigyan ng pansin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-24-38-45-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nakatutuwang isipin na ang nauunang makipaglaban ay una ring nabibigo. Sa kabiguan ng mga nauna, mas magandang kumuha ng aral sa buhay upang hindi ka matulad sa kanila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-17-29-33-36-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magkunwari kang mahina. Gawin mo ito nang sa gayun ay lumabis ang tiwala ng mga kalaban mo sa kanilang sarili. Pagkatapos nito, sumugod ka nang buo ang iyong loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-18-20-25-34-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi masama ang mangopya. Ang masama ay ang may nakikita nang maganda sa kapwa, pero ayaw pang gayahin dahil nahihiyang mangopya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-18-23-26-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pagdamutan ang lalapit sa iyo kahit alam mong hindi niya matutupad ang kanyang ipapangako. Sa ganitong paraan, ang langit ay sasaludo sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-17-21-26-37-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mamili ng isasama mo sa mga gusto mong gawin. Dahil kapag may hindi ka napili at napagbigyan, siya ang magiging mahigpit mong katunggali. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-23-36-40-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang mag-alala sa sakripisyong gagawin mo. Nakamasid sa iyo ang mata ng langit. Hindi maililihim ang magagandang ginagawa mo sa iyong kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-13-27-30-35-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dumating na muli ang mga araw na masuwerte ka at ito ay ngayon na. Ang isa pang balita ay muli na ring dumating ang araw ng kamalasan sa mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-29-30-35-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isabuhay mo ang pagpapatawad sa mga gumawa sa iyo ng mali. Mas magandang mabuhay nang maluwag ang kalooban kaysa sa may galit sa katawan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-14-16-27-33.




Comments