Horoscope | Marso 12, 2023 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 12, 2023
Sa may kaarawan ngayong Marso 12, 2023 (Linggo): Hindi ka isinilang na isang alipin o utusan dahil ikaw ay ipinaganak na isang panginoon. Ikaw ang mag-uutos nang mag-uutos. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makakaramdam ka na angat ka kaysa sa iba. Bagama’t totoo ito, mas maganda pa rin na magpakumbaba ka dahil sa ganitong paraan, ikaw ay higit na hahangaan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-10-20-23-28-30-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong hayaan na mapunta sa iba ang nasa iyo na. Hindi puwede na ikaw ay magpabaya, kaya gumawa ka ng paraan para masira ang diskarte ng mga mang-aagaw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-20-24-27-29.
GEMINI (May 21-June 20) - Tapusin mo ang iyong sinimulan. Tutukan mo ang mga una mong plano dahil hindi makakabuti kung magsisimula ka ng bagong proyekto, kung saan mahahati ang iyong atensyon sa maraming bagay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-22-25-33-35-41.
CANCER (June 21-July 22) - Unahin mo ang iyong sarili at huwag ang kapwa mo. Ang madalas mong pagkakamali ay nagsasakripisyo ka para sa ibang tao. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-15-20-23-26-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kikilos ang mga pangyayari ayon sa kagustuhan mo kahit ikaw ay walang pagkilos. Hindi mapipigilan ang gulong ng kapalaran, tuluy-tuloy itong kikilos at papabor sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-11-13-24-26-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung saan ka madadalian, ‘yun ang iyong piliin. Hindi ngayon ang panahon para dumaan ka sa hirap. Ginhawa ang mga landas na dadaanan mo ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-21-23-28-30.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lalapit sa iyo ang mga suwerte na magbibigay ng masarap na buhay. Lakas ng loob at mabilisang pagpapasya ang iyong puhunan. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-23-26-34-36-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magbabago ng iniisip tungkol sa pagpapaunlad ng iyong sarili. Ang totoo, langit ang naglagay sa isip mo ng pormula kung paano ka higit na aasenso. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-20-22-24-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Humiling ka sa langit at makakaasa ka na kahit may pagkaimposible ay ibibigay pa rin ito sa iyo. Masuwerteng kulay- peach. Tips sa lotto-4-18-21-25-28-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Papaboran ka ng nakatataas sa iyo. Bukod pa rito, sobra siyang magiging malapit at higit pa sa tauhan ang ipadadama niyang pagtingin sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-10-14-16-27-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ngayon ang tamang panahon sa pagpili. Hayaan mong tumakbo ang mga pangyayari nang lubusan n’yong makilala ang bawat isa. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-16-20-24-25-30-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ka, ‘yun ang ipakita mo. Mas napapalapit ang loob ng langit sa mga hindi mapagkunwari at mapabibilang ka sa tatanggap ng malalaking buwenas ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-19-21-23-38-42




Comments