Horoscope | Marso 11, 2026 (Miyerkules)
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 11, 2026

Sa may kaarawan ngayong Marso 11, 2026 (Miyerkules): Malakas ang karisma mo kesa sa mga pangkaraniwan. Puwede mo itong gamitin upang yumaman ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Matindi ang hangarin mong umasenso. Magkagayunman, dapat mo pa ring ingatan ang sabay-sabay na pagpasok ng oportunidad sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-8-10-22-32-39-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magparaya ka at huwag mo nang ipilit ang gusto mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-11-21-25-33-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong ipagpalagay na alam na alam mo na ang papasukin mong negosyo. Ang payo ay magtanung-tanong ka muna sa mga nauna nang sumubok nito para hindi ka malugi. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-17-23-29-38-43.
CANCER (June 21-July 22) - Nahihirapan ang damdamin dahil ang isip ay pilit na nangangatuwiran na labag sa sinasabi ng puso. Tandaan mo, ang kaligayahan ay nagmumula sa malayang damdamin, hindi sa dikta ng isipan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-13-25-31-36-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bubungguin ka ngayon ng taong akala mo mas malakas sa iyo. Subalit, huli na bago niya mamalayang kahit anong gawin niya ay wala pa lang magandang resulta ang pagbunggo sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-19-27-33-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iiral sa iyo ngayon ang kadalisayan ng iyong pagkatao, kaya mas piliin mo kung ano ang pinakatama kahit pa may masaktan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-20-25-37-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Biglaan ang pagbabago ng mga pangyayari. Ang hindi mo inaasahan ay magaganap. Magkagayunpaman, ang mga ito ay ang mas makakabuti para sa kinabukasan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-12-23-30-35-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makikialam ngayon ang langit, dahil pinagtitigas mo ang isip mo sa akala mo ay tama, na sa katunayan ay mali naman. Kung hindi ka magbabago ng aksyon, may babala na muli kang mapapaaway at mapapahamak. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-16-26-34-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gumaganda ang pakiramdam mo, na paunang senyales na papaganda na rin ang kapalaran mo. Ang mga nagpahirap sa iyo na mga problema ay mareresolba na, at ang magiging kapalit nito ay puro suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-24-27-38-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi agad naghihilom ang mga sugat, lalo na ang sugat sa puso. Pero sa paglakad ng mga araw, maaayos na rin ang lahat ng sakit na iyong nararanasan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-14-25-26-37-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabibilis ang mga pangyayari. Ikaw mismo ay magugulat at hindi makakapaniwala dahil hindi mo makokontrol ang mga pangyayari, pero para sa kabutihan mo pala lahat ng ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-10-16-29-36-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tanggapin mo nang maluwag ang mga nagaganap sa buhay mo. Ang lahat ng ito ay kailangang mangyari upang mabigyang-daan ang mga bago at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-13-20-22-38-42.


Comments