Horoscope | Marso 11, 2021 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 11, 2021
Sa may kaarawan ngayong Marso 11, 2021 (Huwebes): Malakas ka kaya madalas ay nakakabunggo mo ang kapwa malakas na tulad mo. Huwag kang mag-alala dahil ang buhay mo ay mapupuno ng mga tagumpay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, huwag mong sayangin ang iyong panahon sa mga wala namang ginawa kundi ang kontrahin ka. Kapag pinansin mo sila, para na ring sinabing ikaw ay kanilang naisahan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-17-20-23-31-32.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huminto ka saka ka sumunod. Sa paghinto, hanapin mo ang maliit na bintana ng oportunidad na iyong lulusutan. Hindi ka mabibigo kahit maliit ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-17-24-25-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Bilis ang kailangan mo. Kung susuriin mo ang mga nakaraan, naiiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensiya dahil sa bilis mong magpasya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-19-20-25-33-37.
CANCER (June 21-July 22) - Sarili mo ang iyong kalaban, kaya puwedeng-puwede kang manalo. Dahil kapag alam mo ang kahinaan ng iyong kalaban, madali mo siyang matatalo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-15-17-20-23-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kumapit ka sa langit. Wala kang dapat kapitang sinuman. Kung babalikan mo ang iyong nakaraan, palagi kang pinakikinggan ng nasa itaas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-21-23-39-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumaban ka. Sa biglang tingin lang naman malakas ang iyong mga karibal, pero ang totoo, alam nilang sila ay mahina kapag ikaw ang nakakalaban nila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-22-23-37-40-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumayo ka sa iyong lihim na kinaiinisan dahil sisirain niya ang iyong diskarte. Tandaan mo na rito sa mundo, ang nainis ay talo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-19-25-27-35-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahinga ng isip at katawan ang kailangan mo. Mamasyal ka at mapapahinga ang isip mo. Bawasan mo ang bilang ng oras ng pagtatrabaho, mapapahinga kahit paano ang iyong katawan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-12-28-30-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumilos ka na parang nakuha mo na ang gusto mo. Ang pormulang ito ng tagumpay ay napatunayan ng marami at kapag ginawa mo, madaragdag ka sa kanilang bilang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-14-15-27-36-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit masama ang iyong loob, tulungan mo ang nagpapatulong sa iyo. Sa ganitong paraan, sobrang hahanga sa iyo ang langit at pagkakalooban ka ng napakaraming magagandang bagay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-13-14-27-30-32-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dahil sa iyo, aasenso ang isang matagal nang hindi umuusad ang kapalaran. Dahil sa iyo, ang dating malungkot ay sasaya ngayon. Ito ang papel na gagampanan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-16-18-22-24-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makipagsapalaran ka dahil kapag nakasingit ka ng panalo, magkakasunud-sunod ang mga suwerte mo na para bang ang magagandang kapalaran ay para lang sa iyo inilaan ng langit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-11-17-35-37-40.




Comments