Horoscope | Marso 10, 2026 (Martes)
- BULGAR
- 2 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 10, 2026

Sa may kaarawan ngayong Marso 10, 2026 (Martes): Lagi kang dadalawin ng mga suwerte. Kaya dapat lagi kang handa.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sisingit ang lungkot sa iyong isipan, pero tatalunin ito ng pagnanais mong mapaunlad ang iyong buhay. Kaya patuloy na gaganda ang iyong kapalaran habang pumapasok ang panahon ng tag-init. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-12-19-23-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumating na ang takdang panahon para sa pagtatanim, pagpapatubo at pagpapalago ng mga bagong pagkakakitaan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-20-27-35-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Magsaya ka at magsaya pa! Dahil ang mga araw ngayon ay araw ng pagsasaya. Kapag masaya ka, ang matatamis na bunga ng iyong mga pagsisikap ay buong galak mong malalasahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-14-24-37-44.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong sarilinin ang natuklasan mong sikreto kung paano aasenso. Ibahagi mo ito sa mga malalapit sa buhay mo nang sa gayun ay hindi sila umasa sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-14-16-26-34-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahal ka ng langit, kaya patuloy ka Niyang huhulugan ng magagandang kapalaran na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-16-25-31-36-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pag-aralan mo ang takbo ng mga pangyayari sa buhay mo. Ito ang pinakaepektibong paraan upang makuha mo muli ang magagandang oportunidad sa buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-15-27-30-33-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muli mong isuot ngayon at sa mga darating pang araw ang ilan sa mga paborito mong damit. Magugulat ka, dahil magbabalikan at baka hindi na umalis pa ang mga suwerteng darating sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-20-25-34-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang maghintay. Marami sa mga tao ang nagkakamali na naghihintay pa ng senyales bago kumilos. Sa katunayan, mas nagugustuhan ng langit ang nagpapakita ng sigasig. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-19-23-35-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magugulat ka dahil doble na ang balik sa iyo ng mga bagay na nawala. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-14-29-31-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lalo silang maiinggit sa iyo, lalo na’t patuloy kang susuwertehin at sila naman ay patuloy na mamalasin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-13-20-28-39-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong sayangin ang mga oras mo sa walang kuwentang mga aktibidad, tulad ng pag-aabang sa mga opinyon at mensahe ng kung sinu-sinong wala namang hangad kundi ang magmayabang at siraan ka. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-2-18-27-30-35-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sundin mo ang sarili mo. Bakit ba iba ang sinusunod mo? Gumising ka sa katotohanang ito sa buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-15-25-34-37.
