Horoscope | Marso 10, 2023 (Biyernes)
- BULGAR
- Mar 10, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 10, 2023
Sa may kaarawan ngayong Marso 10, 2023 (Biyernes): Kabilang ka sa ilang sadyang mapalad. Magbubunga ang lahat ng iyong pagsisikap at may mga suwerte pang darating nang hindi mo pinaghihirapan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pasayahin mo ang iyong sarili. Kapag masaya ang tao, lalo siyang ginaganahan na paunlarin ang kanyang sarili. Samantala, ang kalungkutan naman ay sanhi ng pangit na kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-13-29-24-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tulad ng mga sasakyan na halos magdikit-dikit na sa sobrang trapik, ganundin ang mga suwerte mo. Darating ito nang sabay-sabay na para bang ayaw masingitan ang bawat isa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-16-20-26-27.
GEMINI (May 21-June 20) - Malulunod ka sa saya at ligaya. Makakalimutan mo ang ilang mahahalagang obligasyon mo sa pamilya at ibang tao. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-20-24-39-41.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi lang sasakyan ang dapat na nasa ayos bago bumiyahe. Ayusin mo muna ang mga katangian mo bago ka makipagsapalaran, lalo na sa pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-19-22-26-29-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Susuwertehin ka ngayon at magpapatuloy ang pagdating ng mga suwerte kapag nagawa mong ibahagi sa iyong kapwa ang ilang biyaya na mapasasaiyo ngayon. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-10-14-17-23-28.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - May katangiang likas ang bawat tao. Ang para sa iyo ay ang likas mong talino. Ito ang gagabay sa iyo upang mas mapabuti ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-3-19-28-30-31-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka mauubusan ng mga suwerte, pero ang payo pa rin ay maging masinop at mapagpahalaga ka sa mga suwerte mo nang hindi ka manghinayang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-22-25-34-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) -Nakakapagtaka ang kapalaran mo dahil ayon sa mga bituin na tumatanglaw sa iyo, nakahanda kang magsakripisyo alang-alang sa taong mahal mo. Pero ‘yung minamahal mo ay hindi pa buo ang loob para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-15-29-35-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Patuloy mong aanihin ang matatamis na bunga ng pagsisikap. Huwag mo itong sayangin at ilaan mo ito para sa kinabukasan. ‘Wag kang tumulad sa iba na nalalasing sa sarap ng buhay sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-21-24-37-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na ang maliliit at malalaking suliranin mo ay tatangayin ng mga ulap at nagsasabing, maglalaho ito na parang hindi ka naman nagkaroon ng mga problema. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-21-25-36-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lahat ng bagay sa mundo mundo ay kumukupas. Papakupas na ang pagdating malakas na pagtingin sa iyo ng isang tao. Hindi na niya nakikiliti ang damdamin mo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-20-28-30-35-37-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Balikan mo ang nakaraan kung saan ikaw ay nakaranas ng kabiguan. Hindi na ito mauulit kung gagamitin mo ang mga aral na iyong natutunan mula sa pangit na nakaraan. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-10-14-15-28-32.




Comments