Horoscope | Marso 1, 2026 (Linggo)
- BULGAR

- Mar 1
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 1, 2026

Sa may kaarawan ngayong Marso 1, 2026 (Linggo): Suwerte ka ngayon at ang maganda pa nito, lahat ng magmamahal sa iyo ay susuwertehin din. Kung gaano kalalim ang pagmamahal nila sa iyo, ganu’n din ang suwerteng makukuha nila.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Araw mo ngayon, ibig sabihin puwede mo nang gawin ngayon ang mga planong ‘di mo nagawa. Kapag ito ay sinimulan mo, tiyak na ito ay magkakatotoo at matutupad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-20-23-29-35-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gawin mong mumunting binhi ng palay ang mga suwerteng mapapasaiyo. Makakaasa ka na mamumunga ito ng mas madami, matamis, at masagana na mapapakinabangan at maaani mo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-18-23-27-30-31.
GEMINI (May 21-June 20) - Magsaya ka, pero huwag kang gumastos na sa huli ay malulungkot ka lang. Iwasan mong maulit ang nagdaan na kung saan ay malaking halaga ang iyong nasayang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-20-24-39-45.
CANCER (June 21-July 22) - Muli kang dadalawin ng mga masasayang suwerte dahil nakita ng langit na hindi ka puwedeng mabuhay sa kalungkutan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-16-28-30-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na anuman ang hilingin mo, tiyak na mapapasaiyo agad. Gayunman, puwede ka ring humiling para sa mga mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-22-25-36-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag natutukso kang sabihin ang nakita mong hindi maganda, pagandahin mo ang mga salitang gagamitin mo. Ito ang sikreto ng tamang pakikisalamuha sa kapwa upang tuluy-tuloy kang suwertehin at lumigaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-20-25-34-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka puwedeng maging alipin ng taong nagkukunwaring galante. Suriin mo munang mabuti ang personalidad ng magpapakita sa iyo ng interes. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-17-23-30-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Masanay ka na sa paulit-ulit na ugali ng mahal mo. Dahil hindi naman puwede na ang mga maliliit na pagkukulang ay maging sanhi ng pagwawakas ng isang relasyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-17-21-23-33-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka puwedeng talunin ng kalungkutan dahil lang sa kabiguan ng ilang tao. Mas maganda na ang pananaw ay positibo upang maging positibo rin ang takbo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-18-26-28-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ibahagi mo sa kapus-palad ang ilang suwerte mo. Magugulat ka, dahil magdadagsaan sa buhay mo na parang walang katapusan ang mga biyaya at pagpapala. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-15-17-26-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muli mong mararanasan na ang ilang suwerte na gustung-gusto ng iba ay mahimalang biglang mapupunta sa iyo. Magpasalamat ka lagi sa langit, dahil sa susunod na mga araw, mas marami pang suwerte ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-21-29-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumabas ka ng bahay at mamasyal kahit wala kang kasama, sa ganitong paraan, mananariwa ang iyong kapalaran at magugulat ka, dahil may kakaibang sigla kang madarama. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-13-21-26-34-40.



Comments