Horoscope | Marso 01, 2023 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 01, 2023
Sa may kaarawan ngayong Abril 01, 2023 (Sabado): Kabilang ka sa ilang masusuwerteng nilalang dahil may kaakibat kang suwerte, at mapupunta rin sa iyo ang mga suwerte ng iba. Pahalagahan mo ang mga biyayang mapasasaiyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Munting saya ang dadapo sa iyo na kapag sinakyan mo ay magiging kasinglaki ng bundok. Ito ay sasapat para sumaya ang mga tao nasa paligid mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-19-23-26-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lagyan mo ng ngiti ang iyong mga labi kahit pa pakunwari lang. Gawin mo at magugulat ka dahil magbabago ang takbo at aayon ito sa mga gusto mong mangyari at matupad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-21-25-26-35-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Isuot mo ang paborito mong alahas dahil ito ang magsisilbing panghatak mo sa mga suwerteng makakasalubong mo sa daan ngayong araw. Huwag ka nang mag-alinlangan pa, sundin mo agad. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-15-16-31-38.
CANCER (June 21-July 22) - Bubuhos ang mga biyaya sa iyong harapan, huwag kang matuwa agad dahil may kailangan ka pang gawin. Ito ang sunggaban mo nang sa gayun ay mapasakamay mo agad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-25-28-41-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito, hindi na mahalaga kung ano ka at ang iyong pananaw. Dahil noon pa lamang ay nagpasya na ang langit na muling ibalita ang iyong masuwerteng araw. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-14-15-24-26-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakaumay din ang saya at ligaya. Mahirap maunawaan ang kapalaran, pero ngayon, ikaw mismo ang magsasabi na nakakasawa ang saya at ligaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-23-26-27-30-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong habulin ang mga hindi na babalik. Bagkus, buksan mo ang puso’t isipan mo sa mga bagong pagkakataon na ikaw ay magkaroon ng buhay na ikaw mismo ang magdedesisyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-21-27-29-31-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakikialam ang isip mo sa mga bagay na ang dapat masunod ay ang puso mo. Huwag kang maghanap ng katuwiran dahil ang ligaya ay hindi pagandahan ng argumento. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-17-19-20-28-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hayaan mong masunod ngayon ay ang kakilala mo na kitang-kita mong binubuwenas. Magugulat ka dahil kahit ang mga salita niya ay may suwerte ring dala. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-14-16-27-32-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumuha ka ng lakas ng loob sa isang malapit sa iyo na sugod nang sugod sa mga hamon ng kapalaran na lumalagay sa kanyang harapan. Tiyak na hindi ka mabibigo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-12-25-31-32-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makibahagi ka sa mga pagsasaya. Huwag kang mag-isa na parang tinatalo ka ng mga problema. Maniwala ka dahil sa pagsasaya mo, magsisimulang magdatingan sa iyo ang malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-14-23-26-36-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon ang pagkakataon mo na gawin ang mga bagay na takot na takot kang simulan. Gawin mo agad at makakaasa ka na ang langit ay nakaalalay sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-10-24-25-30-33.




Comments