Horoscope | June 5, 2023 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 5, 2023
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 5, 2023 (Lunes); Isinilang ka na may kakayahang paramihin ang anumang naisin mo. Mas maganda kung sa negosyo mo ito gagamitin at hindi sa ibang bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran na kailangan mong pakinggan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dapat mabilis ang iyong isip upang hindi makalagpas ang magandang oportunidad na sa iyo ay magpapaunlad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-23-29-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magmadali sa iyong pagkilos at sa pagpapasya. Kapag pinag-isipang mabuti ang isang bagay, hindi ka magkakamali. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-21-27-30-42-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Masuwerte ka ngayon dahil ibinalik ng langit ang mga pinalampas mong pagkakataon. Ngayon ay puwede munang sunggaban muli ang anumang nais mong mangyari at makamit. Huwag kang mag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-15-16-27-35-36.
CANCER (June 21-July 22) - Hawakan mong mabuti ang iyong sarili dahil may babala na bigla kang matatangay ng iyong emosyon na kung kailan ay hindi ka gaanong nakapag-isip ng mabuti. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-13-21-22-27.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-ingat ka sa mga palakuwento na sobrang haba kung magsalita, may babala na papasakayin ka lang nito upang ika’y maiisahan at huli na bago mo mapagtanto na nadaya ka pala. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-25-26-35-39-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maglalabas-masok sa isip mo ang naggagandahang pormula ng tagumpay. Huwag ikuwento sa iba dahil madalas ikaw ang nakaisip, ngunit iba ang gumawa at nakinabang. Ito ang itanim mo sa isip mo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-6-19-29-30-31-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo direktang masasabi ang laman ng iyong damdamin. Gumamit ka ng ibang tao mapagkakatiwalaan mo. Ito ang mensahe para sa iyo sa ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-22-24-36-40-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bumalik ka sa reyalidad. Oo, kailangan mong matakasan ang nilikha ng iyong imahinasyon na dahilan kung bakit ka nakakaranas ng kalungkutan. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-14-16-27-30-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na puwede mong paramihin ang nasa sa iyo. Ito rin ay nagsasabing ikaw ay papalarin sa mga negosyong maliliit ang puhunan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-20-23-28-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sumubok ka at muli makipagsapalaran, dahil hindi maganda sa iyo kung wala kang gagawing anuman at naghihintay ka lang sa ‘di mo naman tiyak kung darating ba o may mangyayari ba? Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-17-22-27-29-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang mayroon ka ngayon ‘yun ang pahalagahan mo, dahil ang panghihinayang ay laging nasa huli. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-25-27-35-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Magsaya habang puwedeng magsaya. Makipagsapalaran habang binubuwenas. Ito’y isang batas ng kapalaran upang hindi masayang ang mga pagkakataon. Ito rin ay para sa iyo sa ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-18-25-28-34-38.




Comments