Horoscope | June 30, 2021 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 30, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 30, 2021 (Miyerkules): Hindi hihinto ang pag-angat ng iyong buhay dahil ang mismong kahulugan ng araw ng iyong pagsilang ay aangat ka pa nang aangat.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumapit ka sa ambisyon mo dahil ginagarantiyan ng iyong kapalaran na kahit ano pa ang iyong maranasan, makukuha mo ang iyong ambisyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-14-23-25-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pansinin ang mga taong wala ka namang mapapala. Kung sino ang may sinasabi, angat sa buhay at may kakayahan, siya ang iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-10-15-21-28-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Napakarami mong pagpipilian ngayon. Sa iyong paningin, lahat ay puwede sa iyo. Gayunman, ang totoong puwedeng-puwede sa iyo ay ang may pangarap sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-27-41-45-46.
CANCER (June 21-July 22) - Tama ka. Nakahihigit ka sa kahit na sino. Kapag inilabas mo ang itinatagong galing at husay mo, tiyak na susuko ang mga umaapi sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-19-21-28-34-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hawak mo ngayon ang kapalaran ng mga taong nasa tabi mo. Ingatan mo dahil ang kanilang kabiguan at tagumpay ay depende kung maganda o hindi ang pakikiharap sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-16-17-26-33-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Aabante pa ang buhay mo, kaya hindi pwede na ikaw ay makuntento. Ito ay muling ipinaalala sa iyo dahil kung hindi mo makukuha ang mensahe, ikaw ay manghihinayang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-18-26-34-40-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ayusin mo ang iyong buhay. Kapag nakita ng langit na inaayos mo ito, mabilis at walang kahirap-hirap na maayos nga ito dahil mismong langit na ang magtutuloy para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-25-30-36-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Ang nararanasan mong nakakanerbiyos na pangyayari ay iisa lang ang patutunguhan at ito ay ang lalo pang pagganda ng buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-17-20-21-25-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong balikan ang nakaraan, lalo na ang mga naging pagkakamali mo. Harapin mo ang maraming bukas nang may positibong pananaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-27-30-36-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Balewalain mo ang sa biglang-tingin ay makapal at madilim na ulap sa iyong kapalaran. Kahit ang malakas na bagyo ay iyong nalagpasan noon at hanggang ngayon ay ganundin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-17-22-26-31-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sumisilip sa iyo ang napakalaking suwerte. Tinitingnan nito kung kailan ka magiging positibo na ang puso mo ay puno ng pag-ibig. Ito ang kondisyon bago dumapo sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-19-24-29-39-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakatutuwa ang sinasabi ng iyong kapalaran na sa araw na ito, huwag kang kumilos at mag-isip. Kapag ikaw ay tahimik, malaking suwerte ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-19-25-26-38-30-31.




Comments