Horoscope | June 3, 2023 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 3, 2023
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 3, 2023 (Sabado): Hindi ka puwedeng manatili sa ibaba dahil ikaw ay itinalaga sa mataaas na puwesto. Kikilos ang iyong kapalaran upang matupad ang iyong nais. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ihanda mo ang iyong sarili sa mas maraming pagkakaabalahan. Dahil may mga proyektong parating sa iyo na kikita ka ng malalaki at sunud-sunod. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-15-27-30-41-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumayo ka sa mapagpilit, dahil mahina ka sa ngayon kaya maaari ka nitong mapasunod sa hindi mo naman gustong gawin dahil wala ka namang mapapakinabangan dito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-16-21-24-29-31.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung hindi naman matatapos, huwag ng simula. Matatambakan ka lamang ng mga trabaho na maaapektuhan ang iyong kalusugan. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-16-24-26-30.
CANCER (June 21-July 22) - Nakakagulat ang mga magaganap sa buhay mo. Dadapo sa iyo ang suwerteng nakatakdang kamanghaan ng mga nasa paligid mo dahil ‘di nila aakalaing na ito ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-11-16-19-23-27.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka pa rapat makampante. Oo, natalo ang iyong mga karibal pero babalik sila. Naghahanda lamang ito nang diskarte. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-18-21-22-25-28.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang humingi ng tulong kahit kanino dahil imbis na bumilis ang mga gawain mo ay babagal pa ito at hindi maganda ang magiging resulta nito. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-21-25-28-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makisakay ka sa mga nakikita’t nadidinig mo. Hindi ngayon ang panahon para salungatin mo ang agos ng iyong buhay. Mas masasaktan at mahihirapan ka kung sasalungat ka, kaya umayon ka na lamang. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-16-22-24-30-33-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bago ka umalis sa kasalukuyan mong trabaho, maghanap ka muna ng malilipatan. Kung aalis ka na mawawala nga ang hirap ng iyong kalooban pero mas mahirap ang mangyayari sa iyo, kapag wala kang trabaho. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-24-25-27-35-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit walang salitang binabanggit, ang mga mata ay nag-uusap. Wala kang lakas ng loob na magsabi ngunit malalaman ang laman ng iyong puso sa mga titig mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-15-16-20-24-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sukatin mo ang sinumang makakaharap mo, dahil may mga magkukunwaring kasing galing at husay mo, pero sa totoo lang, malayong-malayo sila sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-9-11-16-27-30.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Habang nasasanay ka sa pangkaraniwang buhay, iaangat ka ng iyong kapalaran dahil ikaw ay sobrang espesyal. Ito ang itanim mo sa isip mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-14-15-28-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gawin mo na ngayon ang hindi mo pa nagagawa dahil aalisin ng langit ang mga sagabal at kontra-bida sa buhay mo upang hindi sila makaporma. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-23-27-33-39-40.




Comments