Horoscope | June 29, 2021 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 29, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 29, 2021 (Martes): Pagpapalain ka at ang pagpapala para sa iyo ay mamanahin pa ng iyong ilang saling-lahi. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatalunin ka ng iyong damdamin. Pero ikaw ay bubuwenasin at dahil nakamasid sa iyo ang langit, gagantimpalaan ka sa ipakikita mong awa sa kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-20-26-33-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mamuhunan ka ng mga kabaitan at kabutihang loob sa mga nasa paligid mo. Higit pa sa kinikita ng isang magandang negosyo ang mga biyayang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-14-23-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang hihinto dahil ikaw ay nadaya. Lahat naman ay napaglalalangan sa buhay. Minsan at pero madalas din naman, ikaw ay ang nakalalamang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-26-35-44-45.
CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang mga araw pang darating. Ang mga kagustuhan mo ay makikitang nabibigyang-daan at ang mga kontrabida ay aani ng kamalasan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-21-22-25-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang maniwala sa mga sabi-sabi. Mag-obsreba ka saka magdesisyon. Sapat ang kakayahan ng isip para matimbang mo ang mga pangyayaring malalaman mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-12-21-28-30-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Napapahamak ang walang kontrol sa sarili . At ang may disiplina sa katawan, nakakaiwas sa panganib ng karamdaman. Dapat ang huli ang nasa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-23-37-40-42-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kunin mo lang ang sapat para sa iyo. Huwag kang tumulad sa pagkagahaman ng iba. Nanonood ang langit at ang pinapaboran ay ang hindi mapaghangad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-14-15-26-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Aalalayan ka ngayon ng nasa itaas kaya wala kang dapat ipag-alala. Kahit malalaki at marami ang mga pagsubok sa buhay mo, ikaw pa rin ang mananalo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-13-15-23-31-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makikita ng mga mata mo na totoong nahuhulog ang mga bituin dahil ang mayayabang ay magsisibagsak . Huwag mo silang tularan kahit kailan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-16-21-27-34-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahina ang mga kalaban mo kung saan ang kanilang kahinaan ay nasa pagiging mayabang at mapagmalaki. Oo, mahina sila dahil ang masamang ugali ay hindi nila kayang iwaksi. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-13-27-35-41-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mababago ang takbo ng buhay mo. Hindi puwedeng manatili nang matagal sa paulit-ulit na takbo ng araw na hindi ka sumasaya. Ito ang pagsasaayos ng kapalaran mo. Muli, sa susunod na mga araw, lalo kang sasaya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-21-22-26-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasa mga kaibigan mo ang suwerte, kaya kahit ang iyong lihim na kinaiinisang kaibigan ay pakitaan mo pa rin ng maganda. Muli, nasa mga kaibigan ang iyong suwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-13-22-40-43.




Comments