top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | June 28, 2021 (Lunes)

BULGAR
Jun 28, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 28, 2021


SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 28, 2021 (Lunes): Sasaklolohan ka ng mga suwerte sa mga panahon na akala ng iyong mga kalaban ay mahina at wala kang magagawa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magbubunga ang mga pagsisikap mo at may dagdag na magandang balita para sa iyo na nagsasabing, may mga suwerteng regalo sa iyo ang langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-23-30-36-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pahinga ang kailangan, pero ang pahinga na ito ay ang pamamahinga na nagsasaya. Sa ganitong paraan, hindi lang nagbabalik ang sigla at lakas ng tao, bumabalik din ang kanyang mga suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-21-25-26-33-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Walang epekto sa iyo ang init ng panahon dahil ang pahahalagahan mo ay ang gumagandang takbo ng pinagkakakitaan. Nasa tamang pagkilos ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-20-28-35-36.


CANCER (June 21-July 22) - Susuwertehin ka ngayon. Masusurpresa ang mga kalaban mo na akala nila ay wala kang magagawa at iiyak ka na lang. Sa huli, ang huling halakhak ay para sa iyo pala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-14-26-30-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Muling nagbalik ang mga araw kung kailan hindi pahahalagahan kung naniniwala ka o hindi sa kapalaran. Ibig sabihin, susuwertehin ka kahit sino at ano ka man. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-22-25-27-34-39.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bumanat ka nang may saya sa kilos at pananalita. Sumugod ka dahil sa ganitong kalagayan, tiyak na hindi lang isa ang darating na suwerte sa iyo dahil ang mga ito ay talagang marami. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-13-25-31-33.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gawin mong puhunan ang ilang suwerte na mapasasaiyo. Ipagpaliban mo ang pagsasaya kasama ang mga kaibigan. Mas magandang unahin ang pagpapatatag ng iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-17-20-21-27-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo kailangan ang tulong ng iba. May kakayahan kang paunlarin ang sarili mo. Gayunman, huwag mong tanggihan ang mga alalay na mula sa dalisay at wagas na puso. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-16-20-24-27-30.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lihim kang tumawa kapag ang mga karibal mo ay nakakaporma. Dahil ang kondisyon para mahulog sa iyo ang malalaking suwerte, dapat ikaw ay parang naisasantabi nila. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-8-13-15-23-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tumatapon ang tubig kapag umapaw ang baso. Huwag mong panghinayangan ang mga mawawala sa iyo dahil palantandaan ito na anumang araw ay dadagsa sa iyo ang napakaraming suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-16-21-27-38-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magtutuloy-tuloy ang mga suwerte mo kahit nakakaranas ka ng hindi magagandang araw. Ang hindi mo lalam, ang mga araw na ito ay simula ng mas malalaking suwerte na magaganap kinabukasan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-10-26-34-43.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakapagod kahit walang ginagawa kapag ang panahon ay maalinsangan. Ang nakapagtataka, mas magandang magpagod sa ganitong sitwasyon dahil kapag napapagod ka, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-19-20-21-27-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page