Horoscope | June 27, 2021 (Linggo)
- BULGAR
- Jun 27, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 27, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 27, 2021 (Linggo): Para sa iyo ang pananalo. Kailangan mong malaman na ang panalo ay nakukuha lang sa pakikipaglaban. Kaya lumaban ka sa hamon ng kapalaran at mananalo ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Puwede mo nang simulan ang mga proyektong hindi mo itinuloy dahil pinanghinaan ka ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-19-20-25-39-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pansinin ang mga madramang nilalang. Ang nakikisakay sa madramang buhay, magiging madrama rin ang kanyang buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-17-20-25-26-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi para sa iyo ang hindi mo nakuha. Pero kung magpipilit magdesisyon ang langit, ang hindi para sa iyo ay idedeklarang sa iyo na rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-23-27-30-33-41.
CANCER (June 21-July 22) - Dito sa mundo, nakapagtataka ang mga nagtatagumpay dahil simple lang ang kanilang ginagawa at ito ay isa lang ang kanilang tinutukan. Tularan mo sila at magtatagumpay ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-16-19-22-25-31.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lumalakas ka at humihina ang mga kalaban mo. Ngayon na ang pagkakataon na puwede mo silang iwanan nang mliya-milya at hindi na sila makakahabol pa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-11-14-20-24-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang matuwid at tama, ‘yun ang pipiliin mo. Kahit pa sabihin ng iba na hindi nila nakikita ang matuwid at tama. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-24-26-34-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magpasya. Ipaubaya mo sa langit ang mga bagay na hindi mo kayang pagpasyahan. Noon pa man, kapag ipinauubaya mo sa nasa itaas ang mga problema mo, napapabuti ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-10-15-24-31-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dadagdagan ng langit ang lakas ng loob mo. Ito ay dahil nakitang kahit malakas ang iyong loob, hindi mo pa rin maituloy ang mga balak mong ikagaganda ng buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-14-26-34-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makisakay ka sa kagustuhan ng nakararami. Gayunman, kapag napansin mo na sa mali mauuwi, pairalin mo ang iyong taglay na kakayahang sila ay mapasunod. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-21-26-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isang hindi nakikitang sinag mula sa bituin na ang pangalan ay “masaganang buhay at ani” ang tatama sa iyo ngayon. Magbabago ang buhay mo at magkakaroon ng kasaganaan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-20-25-31-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sayawan mo ang problema. Ang nakatutuwa at masayang payo, kapag nagawa mo ito, magsisidapo sa iyo ang mga suwerteng nasa paligid. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Kaya ano pa ang ginagawa mo, sumayaw ka na! Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-19-20-21-25-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kalmado ka lang. Ang magagandang kapalaran ay ipinagkakaloob sa mga taong kalmado sa harap ng masasalimuot na pangyayari sa kanyang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-17-20-28-30-31.




Comments