Horoscope | June 26, 2021 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 26, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 26, 2021 (Sabado): Malalaking tagumpay ang nakalaan sa iyo. Ang mga ito ay mas malalaki sa mga pagsubok na iyong nararanasan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon mo na gamitin ang iyong pampabuwenas. Linisin mo ito at saka isuot. Hindi mo man alam, ang buwenas mo ay nasa uri ng bakal o metal dahil ito ang iyong lucky charm. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-16-20-28-34-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon mo higit na pakikinabangan ang bagay na ibinigay sa iyo ng iyong minahal at nagmahal din sa iyo. Ito ang pinakamabisa mong panghatak sa mga suwerteng kailangan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-20-26-30-35-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakatanggap ka ng pagkilala at karangalan. Halikan mo ang bagay na ipinagkaloob sa iyo dahil sa espesyal na ipinakita mong galing at husay. Ito ang iyong pampasuwerte ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-16-19-29-30-32.
CANCER (June 21-July 22) - Ilabas at idispley mo sa lugar na palagi mong makikita ang simbolo ng pagmamahal sa iyo ng taong ayaw kang bitiwan. Ito ang iyong pampabuwenas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-19-27-31-38-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nakatanggap ka ng balik na regalo sa niregaluhan mo. Ang mahalagang papel nito sa buhay mo, ito mismo ang hihila sa mga suwerte na nasa paligid upang maging iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-16-22-29-30-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumang aklat na iyong paborito ang ilabas mo ngayon. Buksan mo at ituturo nito sa iyo ang lumang pormula ng tagumpay na bagama’t luma, sa panahong ito ay pakikinabangan mo nang husto. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-18-23-39-40-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi rin nabibili ang iyong pampasuwerte ngayon. Hindi rin bagay pero tao ang iyong lucky charm at ito ay ang kilala mong lihim na may pagtingin sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-19-24-28-34-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kakaiba ang iyong panghila ng mga suwerte at ito ay ang mga ngiti sa iyong labi. Kaya anuman ang iyong sitwasyon ngayon at nasa retrograde man ang planet Jupiter, ngumiti ka at susuwertehin ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-18-20-24-38-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumingin ka sa langit, pilitin mong matanaw ang liwanag sa gilid ng mga ulap. Dahil higit kailanman, ito ang panghatak sa pinapangarap mong magandang buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-8-13-16-28-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi tao, hayop, halaman at bagay ang iyong pampasuwerte ngayon. Sa halip, simpleng balik-balikan mo ang mga pagsubok na iyong tinalo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-18-20-25-26-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahirap paniwalaan. Bilang isang katuwaan pero isa ring seryosong bagay, pasayahin o galitin mo ang isa sa iyong kaaway. Ang resulta ay nakagugulat dahil ikaw ay susuwertehin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-23-38-40-45-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Alam mo, may pandekorasyon sa bahay n’yo na mula sa dagat o galing sa tubigan. Linisin mo ito at alisin ang mga naipong alikabok. Ito ang iyong pampasuwerte ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-24-25-37-41.




Comments