top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Horoscope | June 25, 2021 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 25, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 25, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 25, 2021 (Biyernes): Marami kang mga pangarap, tutukan mo muna ang isa saka isunod ang iba pa. Sa ganitong paraan, ang lahat ng pangarap mo ay mapasasaiyo.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling nagbalik ang mga araw kung kailan mataas ang antas ng iyong imahinasyon. Ang payo ay nagsasabing gamitin mo ito upang mas umunlad pa ang iyong pinagkakakitaan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-20-24-33-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Madali kang mapapaniwala sa magagandang salita, pero hindi natutupad. Pakinggan mo ang payo ng malalapit sa iyo nang hindi ka maloko. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-13-18-20-21-25.


GEMINI (May 21-June 20) - Nagbababala ang araw na ito na maaari kang magbago ng pasya at paiba-iba ang iyong gusto. Ang payo ay nagsasabing kung ano ang naunang plano, ‘yun ang ipatupad mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-24-29-30-35-41.


CANCER (June 21-July 22) - Nakagugulat! Kung ano ang laman ng isip mo ay magkakatotoo. Kaya huwag na huwag kang mag-iisip ng mga negatibo. Ilagay mo sa iyong isip ang magagandang bagay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-11-14-29-27-30.


LEO (July 23-Aug. 22) - Makikitang sobra kang napapalapit sa nasa malayo at napapalayo ang loob mo sa nasa malalapit. Mas magandang balansehin mo ang iyong pagtingin sa nasa malayo at malapit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-15-20-25-30-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hihinto ang mga pagkilos mo na parang nawalan ka ng gana. Ito ay sa dahilang ang isip mo ay magiging abala sa mga negatibong pananaw na labas-pasok sa isipan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-24-28-30-35-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag magtataka kapag nagbago ka ng pasya dahil likas sa iyo ang pabago-bago ng isip. Ang isang nasa iyo ay hindi mo gusto ngayon, ngunit magugustuhan mo sa ibang panahon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-26-31-37-40-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tutukan mo ang kasalukuyang gusto mong gawin. Ang paalala ay hindi makagaganda sa iyo na tutukan ang hindi mo pa naman sinisimulan o ‘yung iniisip mo pa lang ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-14-18-25-34-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang maniwala sa sabi-sabi. Kapag walang patunay, bawal paniwalaan. Kapag kulang sa ebidensya, huwag mong bigyang-pansin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-19-20-21-25-34.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag sinabi mo, gawin mo. Kapag ginusto mo, anuman ang mangyari, kailangang mapasaiyo. Maaaring hindi ka maniwala, ngunit ito ang susi ng tagumpay na nakabaon sa iyong kalamnan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-18-21-24-39-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pabago-bago ang ihip ng hangin, ganundin ang isip mo. Mahirap maunawaan ang katangian mong ito, pero simple lang ang kahulugan— kung saan ka masaya, roon ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-22-24-33-36-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hamunin mo ang pinakamahigpit mong kaaway. Tiyak na siya ay matatalo mo. Hamunin mo ang alam mong walang laban sa iyo at tiyak na ikaw ang talo. Ito ang nakaguhit sa kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-28-39-40-46.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page