top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | June 24, 2021 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 24, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 24, 2021 (Huwebes): Pinagaganda ng langit ang iyong buhay kahit nakagagawa ka ng mga bagay na wala sa lugar. Ito ay ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lalapit sa iyo ang magaganda, letra-por-letra, ang mga ito ay talagang maganda. Ang totoo, kahit ang magagandang kapalaran na nasa iyong tabi lang ay gustung-gusto kang yakapin nang mahigpit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-19-20-24-39-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Suwerte ka ngayon. Nagbalik ang mga araw na ikaw ay mapalad. Mas liligaya ka kapag ibinahagi mo sa iyong kapwa ang ilan sa mga suwerte mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-17-24-26-43-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Mag-aaksaya ka pero ang kapalit, sobrang sasaya ka. Mauunawaan mo na tama ang sinasabing wala sa materyal na bagay ang tunay na kaligayahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-17-29-30-31.


CANCER (June 21-July 22) - Maghintay ka nang masaya. Ibig sabihin, huwag kang tumulad sa iba na naghihintay nang mainit ang ulo at inip na inip. Muli, maghintay ka nang masaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-28-30-33-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Iniiwasan ang walang pera at nilalayuan ang nakakaawa. Binabalewala ang mahirap ang buhay. Ang mundo ay sadyang malupit. Dahil dito, pagagandahin ng langit ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-22-27-30-37-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umagwat ka sa alam mong pangit ang kapalaran. Mahirap paniwalaan na rito sa ibabaw ng mundo, hindi lang mga sakit ang nakakahawa dahil ang pangit na kapalaran ay ganundin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-19-21-28-32-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gawin mo ang gusto mong gawin. Hayaan mong gawin ng mga karibal mo ang gusto nilang gawin. Ang gusto mo ay mangyayari, habang ang gusto nila ay mauuwi sa masaklap na kabiguan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-16-22-27-35-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pag-ibig ang magpapasigla sa buhay mo. Rito sa mundo, hindi naman importante kung buhay ang isang tao dahil ang buhay na walang pag-ibig ay walang kabuhay-buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-14-20-21-27-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Inspirasyon ang magtutulak sa iyo sa mas mataas na kalagayan. Dapat mong malaman na ang una ay nagpapaganda ng buhay at ang tukso ay nagpapaatras ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-10-15-21-25-38.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pinatatag ng langit ang iyong buhay sa pamamagitan ng mga pagsubok na iyong kinakaharap. Kailangang maging matatag ka nang hindi masayang ang malalaking suwerte mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-21-25-31-33-35.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dito sa mundo, may patay na pero muling nabubuhay. Hindi ka makapaniniwala na ang namatay mong pag-ibig ay muling mabubuhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-17-21-25-32.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sasaya ka. Sa una, hindi mo alam kung bakit masaya ka, pero sa huli, malalaman mong nagbabalik ang dating nagpasaya sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-25-30-34-40-42.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page